QuadComm, desidido na tuluyang ipagbawal ang operasyon ng POGO sa bansa

Kasama sa mga panukala na pinaplantsa ng Quad Committee ng Kamara ang tuluyang pagbabawal sa anomang uri ng offshore gaming sa Pilipinas. Ayon kay Quad Committee Lead Chair Robert Ace Barbers, kailangan ngayon ng batas na magpapawalang bisa sa Executive Order No. 13 ng nakaraang administrasyon na nagpapahintulot sa operasyon ng POGO. Sinabi niya, hangga’t… Continue reading QuadComm, desidido na tuluyang ipagbawal ang operasyon ng POGO sa bansa

P5.7-M halaga ng hinihinalang shabu na isinilid sa ‘Chinese tea bag’, nasamsam ng PDEA sa Oriental Mindoro

Nasa humigit kumulang limang kilo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang higit P5.7-M ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ikinasang buy bust operation sa Sitio Panlanao, Brgy. Sagana, Bongabong, Oriental Mindoro. Pinangunahan ang operasyon ng Regional Special Enforcement Team ng Philippine Drug Enforcement Agency at National Bureau of… Continue reading P5.7-M halaga ng hinihinalang shabu na isinilid sa ‘Chinese tea bag’, nasamsam ng PDEA sa Oriental Mindoro

DOLE, nakapagtala ng mataas na compliance sa Expanded Maternity Leave

Malugod na ibinalita ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga mambabatas na mataas ang compliance rate ng mga kompanya sa Expanded Maternity Leave. Isa ito sa mga natanong ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas sa pagsalang sa plenaryo ng ₱45.2-billion na panukalang budget ng ahensya, nausisa ng mambabatas kung lahat ba ng mga… Continue reading DOLE, nakapagtala ng mataas na compliance sa Expanded Maternity Leave

Mga tauhan ng BRP Sierra Madre, may sapat pang suplay — AFP

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasa maayos na kalagayan ang mga sundalong nakahimpil sa BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal. Ito ang tinuran ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad matapos makaranas ng gutom at pagkakasakit ang mga miyembro ng Philippine Coast… Continue reading Mga tauhan ng BRP Sierra Madre, may sapat pang suplay — AFP

DSWD, nakapagpaabot na ng ₱19-M halaga ng tulong sa mga apektado ng bagyong Ferdie, Gener, at habagat

Aabot na sa ₱19-million ang halaga ng humanitarian assistance ang naihatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang nakaranas ng epekto ng bagyong Ferdie, Gener, at habagat. Ayon sa DSWD, karamihan ng tulong na ipinaaabot sa ngayon ng ahensya ay family food packs. Inilaan naman ito sa mga rehiyong labis na… Continue reading DSWD, nakapagpaabot na ng ₱19-M halaga ng tulong sa mga apektado ng bagyong Ferdie, Gener, at habagat

Pasay LGU, may hatid na trabaho sa mga nasasakupan nito

Inaanyayahan ng pamahalaang lungsod ng Pasay ang mga Pasayeño na naghahanap ng trabaho na makiisa sa HATID TRABAHO FAIR: Tungo sa bagong Pilipinas. Ito ay gaganapin sa World Trade Center mula September 18 hanggang 20, 2024, alas-9 ng umaga. Ang mga interesadong aplikante ay pinapayuhang magdala ng updated resume, sariling ballpen at magsuot ng angkop… Continue reading Pasay LGU, may hatid na trabaho sa mga nasasakupan nito

In-house Job Fair ng Muntinlupa LGU, bubuksan ngayong araw

Inaanyayahan ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang mga residente nito na makiisa sa kanilang 𝐈𝐧-𝐇𝐨𝐮𝐬𝐞 𝐏𝐄𝐒𝐎 𝐉𝐨𝐛 𝐅𝐚𝐢𝐫! Ayon sa LGU, bukas na ng alas-8 ng umaga ang nasabing job fair at tatagal hanggang alas-12 ng tanghali, sa Ground Floor, Annex Building ng Muntinlupa City Hall. Kabilang sa mga participating companies ang: Ang PESO In-House… Continue reading In-house Job Fair ng Muntinlupa LGU, bubuksan ngayong araw

Pag-imprenta ng digital National ID sa plastic cards, mahigpit na ipinagbabawal — PSA

Nagbabala ngayon ang Philippine Statistics Authority (PSA) laban sa mga nag-iimprenta ng Digital National ID sa Polyvinyl Chloride (PVC) o plastic cards. Sa isang pahayag, sinabi ng PSA na mahigpit itong ipinagbabawal at hindi ito tatanggapin bilang patunay ng pagkakakilanlan sa anumang transaksyon. Tanging ang PSA lamang ang awtorisadong mag-imprenta at mag-isyu ng National ID.… Continue reading Pag-imprenta ng digital National ID sa plastic cards, mahigpit na ipinagbabawal — PSA

Kampaniya kontra mga puslit na sigarilyo, pinaigting ng CIDG at BIR

Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit at ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang nasa halos ₱200 milyong halaga ng mga smuggled na sigarilyo. Ito’y sa magkasunod na operasyong ikinasa ng mga awtoridad sa mga Lungsod ng Quezon at Caloocan kamakailan. Ayon… Continue reading Kampaniya kontra mga puslit na sigarilyo, pinaigting ng CIDG at BIR

Metro Manila, karatig lalawigan, patuloy na uulanin dahil sa habagat

Bagamat walang direktang epekto sa bansa ang bagyong Helen ay inaasahang patuloy na magpapaulan ang hanging habagat sa ilang bahagi ng bansa. Sa inilabas na Rainfall Advisory ng PAGASA, as of 8am ay inaasahan pa rin ang mahina hanggang katamtaman na minsan ay may kalakasang ulan sa Quezon, Batangas, Laguna, Cavite, Metro Manila, at Rizal.… Continue reading Metro Manila, karatig lalawigan, patuloy na uulanin dahil sa habagat