Pagkamit ng tagumpay ng mga manlalarong Pilipino, malaking bahagi ng panukalang pondo ng PSC

Binigyang-diin ni Valenzuela City Rep. Eric Martinez na siyang budget sponsor ng Philippine Sports Commission na malaking bahagi ng 2025 budget ng ahensya ay sa hangaring tagumpay ng mga Pilipinong manlalaro. Sa isinagawang plenary deliberation sa P725 milyong proposed 2025 budget, sinabi ni Martinez na kabilang sa “formula for success” ang pondo para sa mga… Continue reading Pagkamit ng tagumpay ng mga manlalarong Pilipino, malaking bahagi ng panukalang pondo ng PSC

Pilot rollout ng digital transaction para sa renewal ng driver’s license sa OFWS, aarangkad sa Taiwan

Nakatakdang simulan sa Sept. 21-22 ang pilot implementation ng digital transaction ng Land Transportation Office para sa renewal ng driver’s license sa Taiwan. Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, inaasahang makikinabang rito ang nasa 400 Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Taiwan kung saan 200 slot ang para sa Taichung habang… Continue reading Pilot rollout ng digital transaction para sa renewal ng driver’s license sa OFWS, aarangkad sa Taiwan

MMDRRMC, nagpulong para talakayin ang mga paghahanda sa tuwing may kalamidad

Nagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasama ang iba’t ibang Lokalidad gayundin ang mga ahensya ng Pamahalaan. Ito’y sa isinagawang Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council Meeting kung saan, tinalakay ang kahandaan ng Pamahalaan sa tuwing sumasapit ang panahon ng kalamidad. Tinalakay din ang rekumendasyon ng mga Lokal na Pamahalaan sa PAGASA-DOST… Continue reading MMDRRMC, nagpulong para talakayin ang mga paghahanda sa tuwing may kalamidad

COMELEC, ilalabas na ang guidelines patungkol sa paggamit social media kaugnay sa nalalapit na eleksyon

Tiniyak ng COMELEC na nakatutok ito sa pagbabantay laban sa fake news ngayong nalalapit na eleksyon. Sa pagtalakay sa plenaryo ng Kamara sa P35.19 bilyong proposed budget ng poll body, natanong ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kung ano ang mga hakbang ng COMELEC laban sa red-tagging, fake news, at disinformation. Tinukoy pa nito ang… Continue reading COMELEC, ilalabas na ang guidelines patungkol sa paggamit social media kaugnay sa nalalapit na eleksyon

Top employers ng SSS, kinilala sa 2024 Balikat ng Bayan Awards

Binigyang pagkilala ngayon ng Social Security System (SSS) ang ilan sa mga indibidwal at organisasyong may natatanging kontribusyon sa pagtutulak ng social security protection sa mga manggagawa sa pribadong sektor. Ito ay sa pamamagitan ng Balikat ng Bayan Awards na bahagi ng ika-67 anibersaryo ng SSS. Sa taong ito, kasama sa binigyang parangal ang dalawang… Continue reading Top employers ng SSS, kinilala sa 2024 Balikat ng Bayan Awards

PNP, inalerto ang Bureau of Immigration sa posibleng pagtakas ni Atty. Roque

Inalerto ng Philippine National Police (PNP) ang Bureau of Immigration (BI) sa posibleng pagtatangka ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na lumabas ng bansa. Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo,sa ngayon ay wala pang indikasyon na nakaalis ng bansa si Roque, base sa mga intelligence report. Kaya aniya mahigpit na binabantayan… Continue reading PNP, inalerto ang Bureau of Immigration sa posibleng pagtakas ni Atty. Roque

Dating Bamban Mayor Alice Guo, inihatid na sa Kamara para sa pagdinig ng QuadComm sa operasyon ng iligal na POGO

Muling inilabas sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Kampo Crame si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ito’y para ihatid sa Batasang Pambansa para dumalo sa pagdinig ng Quad Committee sa Kamara de Representantes kaugnay ng pamamayagpag ng iligal na POGO sa bansa. Alas-8:22 ng umaga nang umalis ang coaster ng PNP sakay… Continue reading Dating Bamban Mayor Alice Guo, inihatid na sa Kamara para sa pagdinig ng QuadComm sa operasyon ng iligal na POGO

Mga apektado ng habagat at bagyong Ferdie, Gener, at Helen, sumampa na sa 1.2 milyon

Nadagdagan pa ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng pagtama ng hanging habagat at magkakasunod na bagyong Ferdie, Gener, at Helen. Ayon sa DSWD, umakyat na sa higit sa 356,000 na pamilya o katumbas ng 1.2 milyong indibidwal ang apektado ng mga pag-ulan at pagbaha. Sa ngayon, nasa 12 rehiyon sa bansa ang pinaka-apektado… Continue reading Mga apektado ng habagat at bagyong Ferdie, Gener, at Helen, sumampa na sa 1.2 milyon

Beteranong mamamahayag na si Dindo Amparo, bagong director-general ng Presidential Broadcast Service

Pormal nang nanumpa kay Presidential Communications Secretary Cesar Chavez bilang bagong Director General ng Presidential Broadcast Service – Bureau of Broadcast Services (PBS-BBS) ang beteranong mamamahayag na si Fernando “Dindo” Amparo Sanga. Ang oath taking ceremony ay ginawa kahapon sa tanggapan ng Philippine Information Agency (PIA) kung saan present din ang ilang opisyal ng PBS-BBS.… Continue reading Beteranong mamamahayag na si Dindo Amparo, bagong director-general ng Presidential Broadcast Service

Mga dating PNP Chief, itinanggi ang umano’y pagkakasama sa payola sa POGO at may kinalaman sa pagpapatakas kay dating Bamban Mayor Alice Guo

Nagbigay ng kani-kanilang reaksyon ang mga dating pinuno ng Philippine National Police (PNP) sa usapin ng umano’y pagtanggap ng payola mula sa POGO gayundin ang umano’y nasa likod ng pagtakas ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Ito’y makaraang ibunyag ni retired Commodore at PAGCOR Executive Raul Villanueva sa pagdinig ng Senado ang pagkakasangkot ng… Continue reading Mga dating PNP Chief, itinanggi ang umano’y pagkakasama sa payola sa POGO at may kinalaman sa pagpapatakas kay dating Bamban Mayor Alice Guo