2 opisyal ng PNP, 1 abogado, patay sa barilan sa Tagaytay City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos ni Police Regional Office (PRO) Calabarzon Regional Director Police Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas ang malalimang imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang pulis opisyal at isang abogado sa barilan na nangyari kahapon sa Barangay Maitim 2nd Central, Tagaytay City.

Kinilala ang mga nasawing opisyal na sina Police Captain Adrian Binalay ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) National Capital Region at si Police Captain Tomas Ganio Batarao Jr., na isang nag-i-schooling na opisyal.

Batay sa inisyal na imbestigasyon nagtungo ang dalawang pulis at ang mga kasama nilang sibilyan sa Prime Peak Subdivision para magtanong tungkol sa kanilang bibilhing lote dakong alas 2:00 ng hapon.

Pagpasok ng grupo sa subdivision, bigla silang pinaputukan ng suspek na si alyas “Santos” mula sa kanyang sasakyan, na nagresulta sa palitan ng putok, kung saan tinamaan ang dalawang pulis at ang suspek.

Dead on the spot si PCPT Binalay, samantalang isinugod pa sa ospital sina PCPT Batarao at si alias “Santos” subalit parehong idineklarang dead on arrival ang dalawa.

Dalawa pa sa mga kasama ng suspek ang tinamaan din at naaresto ng mga awtoridad sa isang ospital sa Tagaytay. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us