Surplus sa balance of payment, magtutuloy-tuloy hanggang sa 2025

Inaasahang magtutuloy-tuloy ang balance of payment (BOP) surplus hanggang sa susunod na taon dahil sa global demands at domestic economy. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), base sa kanilang third quarter projection ang surplus ay inaasahang nasa $2.3 billion hanggang matapos ang taon, habang nasa $1.7 billion naman sa taong 2025. Sa inilabas na… Continue reading Surplus sa balance of payment, magtutuloy-tuloy hanggang sa 2025

Panukalang pagtatatag ng evacuation centers sa bawat siyudad at munisipalidad sa buong Pilipinas, lusot na sa Senado

Sa botong 22 na senador ang pabor, walang tutol at walang nag-abstain, lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na layong imandato ang pagpapatayo ng evacuation centers sa bawat siyudad at munisipalidad sa Pilipinas (Senate Bill 2452). Giit ni Senate President Pro Tempore at Senate Committee on National Defense chairperson… Continue reading Panukalang pagtatatag ng evacuation centers sa bawat siyudad at munisipalidad sa buong Pilipinas, lusot na sa Senado

Sen. Tolentino, iginiit ang kahalagahan ng koordinasyon para maibigay ang pangangailangan ng Sulu

Binigyang diin ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang kahalagahan ng koordinasyon sa pagitan ng iba’t ibang sangay ng gobyerno para matugunan ang mga pangangailangan ng Sulu, na kamakailan lang ay ipinag-utos ng Korte Suprema na maihiwalay sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Una nang iminungkahi ni Tolentino na bumuo ng Sulu transition… Continue reading Sen. Tolentino, iginiit ang kahalagahan ng koordinasyon para maibigay ang pangangailangan ng Sulu

Pagkakaaresto sa kapatid ni Michael Yang na si Tony Yang, posibleng magbigay-linaw sa koneksyon nila sa mga POGO

Ikinagalak ni Senate Committee on Women Chairperson Senador Risa Hontiveros ang pagkakaaresto ng kapatid ni Michael Yang na si Tony Yang. Ayon kay Hontiveros, ang development na ito ay nagpapakita lang ng malalim na koneksyon ng pamilya ng mga Yang sa POGO at sa Chinese criminal syndicates. Una nang isiniwalat ng senador ang direktang transaksyon… Continue reading Pagkakaaresto sa kapatid ni Michael Yang na si Tony Yang, posibleng magbigay-linaw sa koneksyon nila sa mga POGO

Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, nag-negatibo sa lung infection batay sa isinagawang test ng BJMP

Kinumpirma ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na hindi nakitaan ng suspicious lung infection si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo Alice Guo sa isinagawang saliva test sa Pasig City Jail. Ayon kay BJMP Spokesperson Jail Supt. Jayrex Bustinera, lumabas sa pagsusuri na negatibo si Guo sa anumang impeksyon kaya naman dahil dito… Continue reading Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, nag-negatibo sa lung infection batay sa isinagawang test ng BJMP

UP Diliman, pinayuhan ang faculty members na magpatupad ng asynchronous classes bukas dahil sa transport strike

Hinimok ng Office of the Chancellor ng University of the Philippines, Diliman ang mga faculty member na magpatupad ng remote o asynchronous mode ng klase bukas, Setyembre 24. Pahayag ito ng pamunuan ng UP kasunod ng inaasahang pagpapatuloy ng transport strike ng Manibela at Piston jeepney. Pinapayagan din ang mga unit head na magpatupad ng… Continue reading UP Diliman, pinayuhan ang faculty members na magpatupad ng asynchronous classes bukas dahil sa transport strike

Imported paints na may mataas na lead content, patuloy pa ring ipinupuslit sa bansa

Photo courtesy of Ecowaste Coalition

Ibinunyag ng Ecowaste Coalition ang patuloy na pagpasok sa lokal na pamilihan ng mga imported na pintura na may mataas na lead content. Ito ay sa kabila ng matagal nang ipinatupad na ban ng bansa sa mga lead-containing paints. Ayon sa environmental group, may limang variant ng tatak ng pintura na “Made in China” ang… Continue reading Imported paints na may mataas na lead content, patuloy pa ring ipinupuslit sa bansa

Presyo ng bigas sa bansa, unti-unti nang bumababa, ayon sa pamahalaan

Nakakakita na ng pagbaba sa presyo ng bigas sa bansa, tulad ng una nang ipinangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pilipino. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Agriculture Asec. Arnel de Mesa na stable ang suplay at presyo ng bigas sa bansa, lalo na sa harap ng inaasahang anihan ng palay… Continue reading Presyo ng bigas sa bansa, unti-unti nang bumababa, ayon sa pamahalaan

Panukalang VAT refund para sa mga dayuhang turista, aprubado na sa Senado

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang batas na layong bigyan ng VAT refund ang mga dayuhang turista sa bansa. Sa botong 20 na Senador ang pabor, isa ang tutol at walang abstention, aprubado na sa Senado ang Senate Bill 2415. Ayon kay Senate Committee on Ways and Means chairperson Sen.… Continue reading Panukalang VAT refund para sa mga dayuhang turista, aprubado na sa Senado

Economist solon, kumpiyansang makakamit ng Pilipinas ang investment rating A sa ilalim ng pamumuno ni PBBM

Positibo si House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na makakamit ng Pilipinas ang A-level investment rating bago pa matapos ang termino ng administrasyong Marcos Jr. sa 2028. Ito ang pagtaya ng mambabatas kasabay ng pananatili ng BAA2 investment rating at stable outlook ng Moody’s investment sa Pilipinas. Giit ni Salceda, ang magandang takbo… Continue reading Economist solon, kumpiyansang makakamit ng Pilipinas ang investment rating A sa ilalim ng pamumuno ni PBBM