7 PDEA Agents sa Region 3, sinibak sa pwesto dahil sa pagdukot sa isang Chinese National

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pitong tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Pampanga ang sinibak sa pwesto dahil sa reklamo ng kidnap for ransom.

Bukod sa kasong kidnapping, nahaharap din sa patung-patong na kasong serious illegal detention at robbery ang pitong PDEA personnel, at ilan pang John Does.

Nag-ugat ang kaso matapos magreklamo sa PNP Anti-Kidnapping Group ang biktima na si Jinfu Wang Alias Simon Wang, 44-anyos Chinese National, at nagtatrabaho sa bansa bilang general manager ng isang business process outsourcing (BPO).

Si Wang ay dinukot umano at ikinulong ng PDEA Agents noong Hulyo 31.

Sa ulat ng PNP-AKG, pinalabas na isang legitimate operation ang isinagawa ng mga tauhan ng PDEA at nakasamsam ng P250,000 halaga ng iba’t ibang party drugs sa Chinese.

Kinilala ang mga sinibak na PDEA personnel na sina: Vidal Bacolod- Investigation Agent V, Efren Esteban, Xerxes Angelo Galutera, Jan Alexis Mateo, Froilan Paasa, Renáto Flores, at isa pang PDEA employee na si Alex Ramos, at iba pa. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us