Naghain si Agri Party-list Rep. Wilbert Lee ng resolution upang magsagawa ng “ inquiry sa pagpapatupad ng RA 9502 o “Cheaper Medicines Act of 2008” at RA 6677 o “Generics Act of 1988”.
Ito’y upang tulungan ang mga Pilipino na makabili ng de-kalidad at murang gamot.
Base sa pagaaral ng Philippine Institute for development Studies (PIDS) mula sa isang libong mga respondents sa isang survey, tanging 7 percent lamang ang nakakaalam ng kahulugan n g generic drugs habang 48 percent sa mga ito ay naniniwala na ang generic drug ay hindi gaanong mabisang gamot.
Nababahala ang mambabatas na sa ganitong pagtingin ng mga kababayan sa generic medicines sa kabila ng matagal nang pagsasabatas ng “Generics Act”.
Nanawagan ang Agri solon sa gobierno na gawing agresibo ang pagsusulong ng wastong impormasyon at pagpapatupad ng batas para mapagaan ang pasanin ng ating mga kababayan lalo na sa sa kanilang kalusugan.
Kasabay ng selebrasyon ng “Generics Awareness Month” hinihikayat ng partylist solon ang Department of Health, Department of Education, Philippine Information Agency at Department of Interior and Local Government na magsagawa ng information campaign at education drive upang itaas ang kaalaman ng ating mga kababayan sa generic medicines. | ulat ni Melany Reyes