Muling hinamon ni Police Regional Office 11 Regional Director Police Brig. General Nicolas Torre si Pastor Apollo Quiboloy na sumuko nalang at harapin sa Korte ang kanyang mga kaso.
Ayon kay Torre, dapat ay sumuko nalang si Quiboloy dahil ang anak ng Diyos ay hindi nagtago at nagpapako sa krus.
Ang pahayag ay ginawa ni Torre sa pulong balitaan ngayong araw sa PRO 11 headquarters sa Davao City, sa gitna ng patuloy na paghahanap ng PNP kay Quiboloy sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Compound para ipatupad ang arrest warrant laban sa Pastor para sa kasong child at sexual abuse.
Binigyang diin ni Torre na walang karapatan si Quiboloy na magtakda ng mga kondisyon sa kanyang pagsuko at dapat ay sumunod nalang sa batas katulad ng mga ordinaryong mamayan na nahaharap sa kaso.
Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Torre mahuhuli din nila si Quiboloy kasabay ng pagsabi na hindi titigil ang PNP hanggat hindi naissisilbi ang warrant of arrest laban sa lider ng KOJC. | ulat ni Leo Sarne
📷 PRO11 FB