Muling inilabas sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Kampo Crame si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ito’y para ihatid sa Batasang Pambansa para dumalo sa pagdinig ng Quad Committee sa Kamara de Representantes kaugnay ng pamamayagpag ng iligal na POGO sa bansa.
Alas-8:22 ng umaga nang umalis ang coaster ng PNP sakay si Guo kasama ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Sinamahan naman ito ng mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group (HPG) at ng Headquarters Support Service (HSS).
Alas-9:30 ngayong umaga nakatakda ang pagdinig ng Kamara sa usapin. | ulat ni Jaymark Dagala