Target ng Department of Health na mapunuan ang mga bakanteng posisyon sa Department of Health na umaabot na sa mahigit 16,000.
Sa budget deliberation ng P304-billion pesos ng DoH para sa 2025, sinabi ni Health Sec. Teodoro Herbosa na sa ngayon nasa mahigit 90,000 ang naka empleyo sa kagawaran at mga attached agencies pero marami pa rin ang nagreresign sa public sector.
Bagaman anya meron ng mga bagong pasilidad at ospital.. hindi naman ganun kadali na mapunuan ang mga posiayon dahil marami sa ating mga health workers ang nais magtrabaho abroad.
Anya.. nag isyu na sila ng department order upang mapunuan ang mga unfilled positions ng hanggang 70 percent bago matapos ang taon.
Inaasahan ding mapopromote sa plantilla positions ang mga contractual poaitions basta makapasa sila sa Civil Service eligibility exam. | ulat ni Melany Reyes