DOJ, nakikipag-ugnayan na sa Indonesian Police para sa pagpapauwi kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsasagawa na ng koordinasyon sa Indonesian Police ang Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI) para maiuwi sa Pilipinas si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, pinoproseso na ang mga dokumento upang agad maibalik sa bansa ang dating alkalde.

Nakipag-ugnayan na ang NBI at BI sa kanilang counterpart sa Indonesia para sa pagpapauwi sa dating alkalde.

Inaasahang hanggang Biyernes ay maibabalik na ng bansa si Guo at dadalhin ito sa NBI detention cell.

Hihintayin daw nila ang utos ng Senado kung saan ito dadalhin dahil sa pending na Warrant of Arrest na inisyu nito dahil sa pagiging mastermind nito sa POGO hub sa Bamban.

Bukod diyan, may kaso ring kinakaharap ang dating alkalde sa Department of Justice (DOJ) na may kinalaman sa human trafficking at money laundering.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us