Patuloy na naglalaan ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng mga pag-ulan at bahang dulot ng Bagyong Enteng at Habagat
Sa pinakahuling tala ng DSWD, aabot na sa P248-M ang halaga ng ayudang naihatid sa apektadong LGUs sa sampung rehiyon sa bansa.
Samantala, as of Sept. 10 ay umabot na sa higit 783,000 pamilya o katumbas ng 2.9 milyong indibidwal ang naitalang apektado ng kalamidad
Mula sa bilang na ito, nasa 5,350 pamilya o 19,855 ang nananatili sa evacuation centers.
Umakyat na rin sa 114 kabahayan ang naitala ng DSWD na napinsala ng Bagyong Enteng habang 6,382 ang partially damaged. | ulat ni Merry Ann Bastasa