Maagang nagsuspinde ng klase ang Valenzuela City LGU dahil sa inaasahang mga pagulan pa rin sa Metro Manila dahil sa habagat.
Sa abiso ng LGU, kanselado ngayong araw ang in-person classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.
Ito matapos na mailagay sa Yellow Rainfall Warning ang Metro Manila kaninang alas-2 ng madaling araw.
Magpapatuloy naman ang online classes sa college level.
Samantala, sa inilabas na panibagong Heavy Rainfall Warning ng PAGASA, inilagay sa Yellow Warning Level ang mga lalawigan ng Bataan at Zambales kung saan posible ang mga pagbaha.
Mahina hanggang katamtamang ulan naman ang inaasahan sa Nueva Ecija sa loob ng tatlong oras.
Ganito rin ang kasalukuyan nang umiiral sa Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas at Quezon (General Nakar, Infanta, Real, Polillo, Burdeos, Panukulan, Patnanungan, Jomalig, Mauban). | ulat ni Merry Ann Bastasa