Dalawang magkasunod na lindol ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Davao Region kaninang madaling araw.
Bandang alas-3:39 kanina nang unang tumama ang magnitude 4.3 na lindol ang bahagi ng Baganga, Davao Oriental.
Tectonic ang origin nito at may lalim na 10km sa lupa.
Pasado alas-5 naman ng madaling araw kanina nang yumanig ang magnitude 4 na lindol sa bahagi ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental ngayong umaga.
Naitala ang sentro nito sa layong 99 na kilometro timog-silangan ng Abad Santos.
Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 135 kilometro sa lupa.
Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks kasunod ng mga naturang lindol. | ulat ni Merry Ann Bastasa