Personal na binati ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang mga tropa ng Philippine Army sa pagkaka-nutralisa ng mataas na NPA lider sa Cagayan at 2 iba pa noong Setyembre 11.
Ito’y sa pagbisita ng AFP Chief sa tactical command post of the 95th Infantry Battalion at Barangay Sisim, Peñablanca, Cagayan, kahapon.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, pinarangalan ni Gen. Brawner ang mga tropa sa matagapay na operasyon sa Barangay Baliuag, Peñablanca kung saan nasawi ang NPA leader na si Edgar M. Arbitrario, alias “Karl.”
Si Arbitrario, na tubong Davao City, ang Secretary ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley ng NPA, na nasa likod ng maraming terrorist activities sa rehiyon.
Kasama ding na-nutralisa sa operasyon ang dalawang mataas na opisyal ng NPA na sina “Ka Jorly” at “Ka Nieves.”
Sinabi ni Gen. Brawner na ang matagumpay na operasyon ay malaking hakbang sa “strategic goal” ng AFP na wakasan na ang insurhensya upang matiyak ang isang ligtas na hinaharap para sa bansa. | ulat ni Leo Sarne
Photos by SSg Ambay/PAOAFP