Nakaabang na ang Department of Agriculture sa nakatakdang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.
Sa pagdalo ni Agriculture Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr. sa 2024 Sustainable Agriculture Forum, sinabi nitong masaya siya na sa wakas ay malalagdaan na ang batas na tutugon sa malawakang problema ng ‘agricultural smuggling’ sa bansa.
Sa tulong aniya ng batas na ito, mabibigyan na ng kapangyarihan ang Department of Agriculture na habulin ang mga smuggler.
Kasunod nito, umaasa ang kalihim na magsilbi na itong babala sa mga smuggler para itigil na ang kanilang pananamantala na nakakaapekto sa mga magsasaka at mangingisda sa bansa.
Tiniyak din ng kalihim na mahigpit na ipatutupad ang mga nakapaloob sa batas katuwang ang Bureau of Customs. | ulat ni Merry Ann Bastasa