Pagsasampa ng kaso ng PCC laban sa mga mapagsamantalang negosyante ng sibuyas, ikinatuwa ng DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa Department of Agriculture (DA) ang desisyon ng Philippine Competition Commission (PCC) na magsampa ng kaso laban sa mga mapagsamantalang negosyante ng sibuyas.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., dapat itong maging babala sa lahat ng smuggler at mapagsamantalang negosyante na pananagutin sila ng DA.

Kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kinasuhan ng PCC ang 12 kumpanya at indibidwal, dahil sa paglabag sa Philippine Competition Act sa kanilang pag-angkat at pangangalakal ng sibuyas.

Lumitaw sa imbestigasyon na nagsabwatan ang mga negosyanteng ito upang hatiin sa kanilang mga sarili ang mga sanitary at phytosanitary import clearances.

Bukod sa pagharap sa mga kasong legal, pinagbabayad din ang mga nasangkot na negosyante ng kabuuang P2.4 bilyong multa.

Pag-aaralan din ng DA ang posibilidad na i-blacklist ang mga mapagsamantalang negosyanteng ito, at posibleng bawiin ang accreditation ng kanilang mga cold storage facility. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us