Pangulong Marcos Jr., walang nakikitang politika sa pag-usisa ng Kongreso sa budget ng OVP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang kinalaman sa politika ang ginagawang pagdinig o pag-usisa ng Kongreso sa 2025 budget ng Office of the Vice President (OVP).

“I don’t know where all of?? This is a budget hearing. Hindi naman pinag-uusapan yung… this is something that every single government agency has to do. It’s a hearing, there’s no politics in it.” -Pangulong Marcos Jr.

Ito ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay dahil bawat tanggapan ng pamahalaan ay pinagdadaanan ang pagharap at pagsagot sa mga tanong ng Kongreso kada taon, upang madepensahan ang kanilang isinusulong na budget.

Aniya, hindi niya maintindihan kung saan nagmumula ang mga alegasyon na politika ito.

“We do it every year, we do it with the same department, we do it…That process is well established, it has nothing to do with politics.” -Pangulong Marcos.

Pagbibigay diin ni Pangulong Marcos, ginagawa ang pag-usisa sa paggastos at mga programa ng bawat departamento upang malaman kung sapat ang alokasyon at kung paano itong gugugulin.

“It has to do with the budget so I don’t know how can she characterized these things, which is essentially an information gathering exercise for the House and for the Senate, so that they know what the budget will look like. So malayo sa politika yun.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us