Binigyang-diin ni OFW Party List Representative Marissa “Del Mar” ang mga panganib na kinakaharap ng Filipino seafarers na naglalayag sa mga tinuturing na high-risk areas, partikular sa Red Sea at mga kalapit na karagatan.
Sa kaniyang interpelasyon sa budget briefing ng Department of Migrant Workers tinanong ni Magsino si Department of Migrant Workers (DMW) Sec. Hans Leo Cacdac sa status ng kanilang polisiya na nagbibigay ng karapatan sa Filipino seafarers na malaman kung ang barkong kanilang sasakyan ay dadaan sa mga high-risk areas.
Diin ni Magsino, ilang beses nang inatake ang mga barkong may sakay na Pilipinong marino dahil sa harap ng lumalalang geopolitical tensions na nakakaapekto sa mga shipping routes na nagdudulot ng delikadong propesyon.
Dagdag pa rito, humingi ng update si Rep. Magsino sa plano ng DMW na maglunsad ng isang hotline para sa mga Filipino seafarers na nais ipahayag ang kanilang pagtanggi na maglayag sa mga high-risk areas, subalit nangangamba sa posibleng “reprisal” mula sa kanilang principal o manning agencies.
Pahayag naman ni Sec. Cacdac, mayroong 3,300 na nag-register na mga tripolante na pumapayag silang maglayag sa high-risk areas at mayroon namang 128 na Pilipinong marino ang nag-register ng kanilang pagtanggi na sumakay sa mga barkong dadaan sa high-risk areas.
Dagdag pa ni Secretary Cacdac, kapag sinuway ng shipowners o manning agency ang patakaran ng DMW sa karapatan ng mga Pilipinong marino sa mga high-risk areas ay mabigat na parusa ang kanilang kahaharapin. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes