Nananatiling suspendido ang klase sa paaralan sa 659 munisiypo at syudad sa Region 1, 2, 3, Calabarzon, Region 5, 6, Cordilllera Administrative Region (CAR), at National Capital Region (NCR).
Ito’y sa gitna ng naranasang epekto ng bagyong Enteng at Habagat.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), karamihan sa mga paaralang suspendido ang klase ay sa Calabarzon, kasunod ang Region 3, at Region 1.
Samantala, suspendido din ang pasok sa mga pampublikong tanggapan sa 456 na munisipyo at syudad sa mga apektadong rehiyon.
Sa huling datos ng NDRRMC, umabot na sa halos 150-libong pamilya o mahigit 547-libong indibidual sa 695 baranggay sa Region 1, 2, 3, Calabarzon, 5, 6, 7, at NCR ang apektado ng sama ng panahon.
Patuloy namang sumasailalim sa validation ng NDRRMC ang 12 iniulat na nasawi, 11 sugatan, at 7 nawawala. | ulat ni Leo Sarne