Philippine Air Force, naka-antabay sa mga ikakasang operasyon kaugnay ng bagyong Enteng

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naka-alerto ang hanay ng Philippine Air Force (PAF) para umagapay sa mga apektado ng pag-ulang dala ng hanging habagat na pinaigting ng bagyong Enteng.

Kaugnay nito, nakatutok din ang Air Force sa sitwasyon at nakikipag-ugnayan na sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa posibleng rescue at relief operations.

Mahigpit ding binabantayan ng Air Force ang mga lugar na pinaka-apektado ng bagyo para maghatid ng mga kinakailangang suplay gaya ng pagkain, inuming tubig at medical supplies.

Handa rin silang umalalay sa pagsasagawa ng evacuation lalo na sa mga mabababang lugar na madalas bahain sa sandaling kailanganin. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us