Presyo ng imported na bigas, patuloy na bumababa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pagbaba ng presyo ng bigas partikular ng imported rice sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Sa Muñoz Public Market sa Quezon City, bagamat may kamahalan pa, mayroon nang mabibiling ₱48 kada kilo habang ₱53 kada kilo naman ang pinakamahal depende sa klase.

Ayon sa ilang tindera, bumaba na ng ₱2 hanggang ₱3 ang bentahan ng imported na bigas.

Una nang sinabi ng Department of Agriculture na mayroon nang mabibili ngayon na ₱42 kada kilo na imported rice sa mga palengke.

Inaasahan din ng kagawaran na bababa pa ito pagsapit ng Oktubre dahil sa anihan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us