Inatasan ng House Quad Committee ang committee secrtary na siguruhing maiimbitahan sa susunod na pag-dinig ng komite si Davao City 1st district Rep. Paolo Duterte.
Ito’y matapos lumihan ang kongresista sa komite na humihiling na siya ay makapagtanong sa mga resource person na imbitado rin sa pag-dinig.
“Also, Mr. Chairman, we have received a letter coming from the Honorable Paolo Z. Duterte with regards to some queries addressed to the Quad Committee Chairman.” Saad ni Quad Comm co-chair Joseph Stephen Paduano.
Bilang tugon, pinatitiyak ni Quad Comm lead Chair Robert Ace Barbers na maimbitahan sa kanilang susunod na hearing ang kasamahang mambabatas partikular sa isyu ng droga at extra judicial killings.
“The letter states that there are questions that the Honorable Paolo Duterte wishes to ask the resource persons and may we just ask the Committee Secretary to please make sure that the invitation will be extended to the Honorable Paolo Duterte in the next Quad Com hearing with the topic on drugs and extrajudicial killings.” Sabi ni Quad Comm lead chair Barbers
Matatandaan na sa naging pag-dinig ng Quad Comm sa Bacolor Pampanga noong August 16 ay idinawit ni dating Customs intelligence officer Jimmy Guban ang Davao solon sa umano’y smuggling ng iligal na droga. | ulat ni Kathleen Forbes