Suplay na food packs para sa mga pamilyang apektado ng bagyong Ferdie at Gener, sapat na – DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakakatiyak ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na sapat na ang relief goods para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Ferdie at Gener.

 Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, mahigit sa P28.9 million humanitarian assistance ang naipamahagi ng ahensya sa mga naapektuhan ng masamang panahon.

May kabuuang P94,476.00  tulong pinansyal  ang naibigay sa may 74 beneficiaries sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Sa report mula sa Disaster Response Operations Management, Information and Communications mayroon pang 1.77 million Family Food Packs ang nakalagak sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Bukod sa relief packs sa mga DSWD Field Offices warehouses, may nakaimbak pa sa National Resource Operations Center sa Pasay City at Visayas Disaster Resource Center sa Mandaue City, Cebu.

Sa kabuuan, ayon kay Assistant Secretary Dumlao, nasa P2.8 billion pa ang stockpile at standby funds ng DSWD. Samantala, nasa 348,572 pamilya o 1,222,674 indibidwal sa 1,608 barangays ng Regions 2, 3, MIMAROPA, Region 5 , 6 , 7 , 8 , 9 , 10 , 12, Cordillera Administrative Region at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang naitalang naapektuhan ng masamang panahon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us