Umaabot sa 460 partner beneficiaries ng Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished (Project LAWA at BINHI) ang nakatanggap ng 20-day compensation na Php7,400 bawat isa.
Ang Project LAWA at BINHI ay isang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office Caraga na naglalayong labanan ang kagutuman, maibsan ang kahirapan, at mabawasan ang kahinaan sa ekonomiya ng mga komunidad sa pamamagitan ng pagkontrol sa kawalan at kakulangan sa tubig, mga isyu na pinalala ng climate change at mga sakuna.
Sa 460 benepisyaryo, 310 ay mula sa Malimono at 150 ay mula sa Mainit, Surigao del Norte.| ulat ni Dyannara Sumapad-Jaque| RP1 Butuan