Hindi nakalusot sa mga tauhan na PNP aviation security group ang isang papaalis na turista matapos makitaan na may dalang controlled substance o cannabinoid.
Ayon sa PNP AVSEGROUP, nakita nila sa kanilang isinagawang routinary security check ang x-ray image ng isang security restricted image sa loob ng bagahe ng pasahero.
Dahil dito ay sinundan ito ng manual inspeksyon dahilan kaya nadiskubre ang several vape cartridges na naglalaman ng liquid substances at tinatawag na marijuana.
Matapos kumpirmahin ng mga tauhan ng PDEA ang nasabing likido ay agad inaresto ang nasabing pasahero.
Ayon naman kay PBGEN Christpoher Abrahano ang director ng AVSEGROUP, patunay ang nasabing operasyon ng kanilang grupo sa kanilang commitment na mas matinding pagbabantay at maayos na kooperasyon para labanan ang illegal drug trafficking. | ulat ni Lorenz Tanjoco