Agri Party-list Rep. Wilbert Lee, humingi na ng tawad kay BHW Party-list Rep. Angelica Co

Kinumpirma ni BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co na humingi na sa kaniya ng paumanhin si AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee. Ayon kay Co, nagkita sila ngayong araw sa Tent City nang maghain ang BHW Party-list ng Certificate of Candidacy. Nagkataon na naroroon din si Lee na sinamahan naman si Dr. Liza Ong, na naghain… Continue reading Agri Party-list Rep. Wilbert Lee, humingi na ng tawad kay BHW Party-list Rep. Angelica Co

PBBM, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan

Photo courtesy of Presidential Communications Office Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Executive Secretary Oscar Orbos bilang acting Chairperson at Miyembro ng Board of Directors (BOD) ng People’s Television Network, Inc. (PTNI) bilang kinatawan ng private sector. Kung matatandaan, si Orbos ay naging executive secretary at kalihim ng Department of Transportation and… Continue reading PBBM, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan

Incumbent Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at mga kaalyado, naghain na rin ng COC

Nagsumite na ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) sa Robinsons Town Mall sa Barangay Tinajeros si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at ang kaniyang mga kaalyado. Ayon kay Mayor Sandoval, muli siyang tatakbo upang ipagpatuloy ang mga nasimulang programa para sa ikabubuti ng mga residente. Kabilang sa mga programang ito ang malawakang ayuda sa Blue… Continue reading Incumbent Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at mga kaalyado, naghain na rin ng COC

Speaker Romualdez kaisa sa panawagan para sa sapat na pondo para maipatupad ang Expanded Centenarian’s Act

Sinuportahan ni Speaker Martin Romualdez ang panawagan ng kapwa mambabatas na si Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes na tiyakin ang sapat na pondo para sa pagpapatupad ng Expanded Centenarian’s Act. Ang pahayag ng House leader ay kasabay ng paggunita ng Elderly Filipino Week ngayong unang linggo ng Oktubre. Aniya, sa pagkilala sa ating mga… Continue reading Speaker Romualdez kaisa sa panawagan para sa sapat na pondo para maipatupad ang Expanded Centenarian’s Act

Panukalang 2025 budget ng PCO, lusot na sa committee level ng Senado

Pasado na sa committee level ng Senado ang panukalang P2.28 billion ng Presidential Communications Office (PCO) at attached agencies nito. Sa PCO lang mismo, humihiling ang ahensya ng P2.4 billion pero nasa P713 million lang ang binigay na pondo sa kanila sa ilalim ng 2025 National Expenditure Program (NEP). Paliwanag ni PCO Secretary Cesar Chavez,… Continue reading Panukalang 2025 budget ng PCO, lusot na sa committee level ng Senado

Mahigit 7.4-M indibidwal nakapagparehistro bilang botante sa nagdaang pitong buwan — COMELEC

Tinatayang nasa mahigit 7.4 milyong indibidwal ang nagparehistro bilang mga botante sa loob ng pitong buwang pagpaparehistro para sa midterm elections sa Mayo 2025, ayon sa Commission on Elections (Comelec). Mula Pebrero 12 hanggang Setyembre 30, umabot sa kabuuang 7,427,354 aplikasyon ang naiproseso maliban sa Lalawigan ng Batanes na pinalawig ang deadline ng pagpaparehistro hanggang… Continue reading Mahigit 7.4-M indibidwal nakapagparehistro bilang botante sa nagdaang pitong buwan — COMELEC

Pulis at truck driver sa viral road rage, nagkaayos na; Imbestigasyon sa pulis, tuloy pa rin

Nagkasundo na sa barangay ang sinibak na pulis at ang truck driver na sangkot sa viral road rage incident sa NLEX-Mindanao Avenue sa Valenzuela City. Gayunpaman ayon kay PNP Civil Security Group Spokesperson Police Lieutenant Colonel Eudisang Gultiano, tuloy pa rin ang administrative investigation sa pulis na nakadestino sa kanilang regional office. Maaari pa ring… Continue reading Pulis at truck driver sa viral road rage, nagkaayos na; Imbestigasyon sa pulis, tuloy pa rin

Party-list solon, muling nanawagan sa pagsasabatas ng Anti-Dynasty Law

Binigyang diin ngayon ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel ang pangangailangan na makapagpasa ng isang Anti-Dynasty Law. Ang panawagan ng mambabatas ay sa gitna na rin ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa 2025 midterm elections. Aniya, dapat nang isalang sa pagtalakay ang mga panukalang naihain sa Kamara pabalik ng sesyon upang maihabol… Continue reading Party-list solon, muling nanawagan sa pagsasabatas ng Anti-Dynasty Law

South Korean Pres. Yoon at Pangulong Marcos, magkakaroon ng bilateral meeting

Bibisita sa Pilipinas si Korean President H.E. Yoon Suk Yeol, bilang tugon sa imbitasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Darating sa bansa ang Korean President sa Linggo (October 6) at opisyal na tatanggapin ng Pangulo at ni First Lady Liza Araneta-Marcos si President Yoon kasama si Korean First Lady KIM Keon Hee sa Malacañang… Continue reading South Korean Pres. Yoon at Pangulong Marcos, magkakaroon ng bilateral meeting

First-time senatorial aspirants nanguna sa paghahain ng COC ngayong hapon sa Manila Hotel

Ngayong hapon, tatlong first-time senatorial aspirants ang naghain ng kanilang kandidatura sa ikatlong araw ng filing ng Certificate of Candidacy (COC). Si Robert Agad, unang beses sasabak sa pulitika ay nangakong tututok sa pagtulong sa overseas Filipino workers (OFWs) at pagbibigay ng trabaho kung maluluklok bilang senador. Samantala, sa kabila ng kawalan ng trabaho sa… Continue reading First-time senatorial aspirants nanguna sa paghahain ng COC ngayong hapon sa Manila Hotel