2 colorum operators, arestado sa Cavite — LTO

Kinumpirma ng Land Transportation Office (LTO) ang pagkakaaresto sa dalawang colorum operators sa Cavite City. Naaresto sina Ricky Solayao Cos, 38; at Roberto Bonete Salvador, 52 sa magkahiwalay na operasyon ng Philippine National Police (PNP) base sa Warrant of Arrest na inilabas dahil sa kasong colorum na isinampa ng LTO. Ayon kay LTO Chief, Assistant… Continue reading 2 colorum operators, arestado sa Cavite — LTO

Mabilis na rehabilitasyon ng Batanes na matinding napuruhan ng bagyong Julian, pinamamadali ng Defense Department

Pinamamadali na ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. ang relief at rehabilitation efforts sa lalawigan ng Batanes na matinding naapektuhan ng bagyong Julian. Sa kaniyang talumpati sa The Maritime League Expo 2024 Blue Economy Annual Trade and Conference, sinabi ng kalihim na kailangang makabangon muli ng Batanes bilang ito ang siyang pinakadulong lalawigan ng bansa.… Continue reading Mabilis na rehabilitasyon ng Batanes na matinding napuruhan ng bagyong Julian, pinamamadali ng Defense Department

Paghahain ng COC sa QC COMELEC, nananatiling matumal

Matumal pa rin ang dating ng mga kandidatong naghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Amoranto Sports Complex. Sa pinakahuling tala ng Quezon City-COMELEC, may tig-isang kandidato pa lang ang nagsumite ng COC sa pagka-alkalde at bise alkalde sa QC. Habang 17 namang kandidato ang nagsumite ng COC para tumakbong konsehal sa QC. Inaasahan din… Continue reading Paghahain ng COC sa QC COMELEC, nananatiling matumal

OCD, biyaheng Batanes para maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Julian

Biyaheng Batanes ngayong umaga ang Office of Civil Defense (OCD) sa pangunguna ni Executive Director, Undersecretary Ariel Nepomuceno. Ito’y para magdala ng tulong sa mga Ivatang naapektuhan ng bagyong Julian. Kasama ni Nepomuceno ang iba pang opisyal ng pamahalaan bitbit ang mga tulong na kanilang ipagkakaloob lulan ng C-130 plane ng Philippine Air Force. Ilan… Continue reading OCD, biyaheng Batanes para maghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Julian

Marikina solon, target na magkaroon ng komprehensibong sports program ang lungsod

Plano ni Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro na makabuo ng isang komprehensibong sports program sa lungsod, kasabay ng hangarin na makapaglinang pa ng mga atleta at magkaroon ng kauna-unahang Olympic gold medalist mula sa Marikina. ”Layunin nating makapag-develop ng mas maraming propesyonal na atleta mula Marikina at, balang araw, magkaroon ng isang Olympic gold… Continue reading Marikina solon, target na magkaroon ng komprehensibong sports program ang lungsod

5 board member aspirants, sa lalawigan ng Northern Samar ang naghain kahapon ng kanilang kandidatura

Naghain kahapon, Oktubre 2, ng kanilang kandidatura sa Comelec Provincial Office sa Catarman, Northern Samar para sa muling pagtakbo nila incumbent First District Board Members Gilbert Layon at Victorio Singzon II. Bukod sa dalawang re-electionists, tatlong bagong kandidato rin ang nagpahayag ng kanilang hangarin na maging bahagi ng Sangguniang Panlalawigan. Kasama sa mga bagong aspirants… Continue reading 5 board member aspirants, sa lalawigan ng Northern Samar ang naghain kahapon ng kanilang kandidatura

Matumal na paghahain ng COC ngayong araw, bahagi lamang ng strategy — COMELEC-NCR

Nananatiling matumal ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) ng mga nagnanais tumakbo sa pagka-kongresista sa tanggapan ng Commission on Elections – National Capital Region (COMELEC-NCR) ngayong araw. Ayon kay COMELEC-NCR Assistant Regional Director, Atty. Jovy Balanquit, ikinukunsidera kasi nilang “strategizing days” ang ikalawa at ikatlong araw ng paghahain ng COC. Paliwanag ni Balanquit, tila… Continue reading Matumal na paghahain ng COC ngayong araw, bahagi lamang ng strategy — COMELEC-NCR

Tunggalian ng magkakalaban sa pagka-kongresista sa Metro Manila, muling nasilayan sa pagpapatuloy ng paghahain ng kandidatura

Muling tatanggap ng mga Certificate of Candidacy (CoC) ang Regional Office ng Commission on Elections (COMELEC) sa Metro Manila. Ito’y sa ikatlong araw ng paghahain ng kandidatura para sa mga nagnanais maupo sa pagka-kongresista sa National Capital Region (NCR). Kahapon (October 2), naghain ng kani-kanilang mga kandidatura sina incumbent Malabon Lone District Representative Ricky Sandoval… Continue reading Tunggalian ng magkakalaban sa pagka-kongresista sa Metro Manila, muling nasilayan sa pagpapatuloy ng paghahain ng kandidatura

Contempt Order kay dating Sec. Roque, aalisin oras na isumite ang mga ipinangako niyang dokumento — Rep. Barbers

Muling iginiit ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, lead chair ng Quad Committee na kailangan lang isumite ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga ipinangako nitong dokumento sa komite at maaari nang alisin ang contempt laban sa kaniya. Kasunod ito ng pagbasura ng Supreme Court sa petisyong inihain ni Roque laban sa… Continue reading Contempt Order kay dating Sec. Roque, aalisin oras na isumite ang mga ipinangako niyang dokumento — Rep. Barbers

DA, pinag-aaralan na ang hirit ng grupo ng magbababoy at swine industry na payagan ang Emergency Use ng ASF vaccine

Masusing pinag-aaralan na ng Department of Agriculture (DA) ang hiling ng grupo ng magbababoy at swine industry para sa Emergency Use Authorization (EUA) ng bakuna kontra African Swine Fever (ASF). Kasunod ito ng liham ng grupong AGAP kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, na humihiling na hikayatin nito si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na… Continue reading DA, pinag-aaralan na ang hirit ng grupo ng magbababoy at swine industry na payagan ang Emergency Use ng ASF vaccine