House appro chair, kinilala ang mga hakbang ng administrasyon para makamit ang pinakamababang inflation rate sa loob ng apat na taon

Pinapurihan ni House Appropriations Committee Chairman Elizaldy Co ang pagsisikap ng administrasyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para makamit ang 1.9% inflation rate. Ang naturang inflation rate para sa buwan ng Setyembre ang pinakamababa sa loob ng apat na taon. Batay sa Philippine Statistics Authority (PSA) malaking ambag sa pagbagal ng inflation ang pagbaba… Continue reading House appro chair, kinilala ang mga hakbang ng administrasyon para makamit ang pinakamababang inflation rate sa loob ng apat na taon

Bilang ng mga senador at party-list groups na naghahain ng kandidatura para sa Halalan 2025, patuloy na nadadagdagan

Sa ika-limang araw ng paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) para sa 2025 midterm elections, nakatanggap na ang Commission on Elections (Comelec) ng 70 aplikasyon mula sa mga gustong maging senador at 73 party-list groups. Ilan sa mga kilalang personalidad na opisyal nang naghain ng COC para sa pagka-senador ang broadcaster na si Ben Tulfo,… Continue reading Bilang ng mga senador at party-list groups na naghahain ng kandidatura para sa Halalan 2025, patuloy na nadadagdagan

OWWA, naglunsad ng Lebanon Help Desk para sa mga OFW

Ipinahayag ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pagkakaroon ng Lebanon Help Desk para sa mga dokumentado at kahit mga hindi dokumentadong manggagawang Pilipino na nasa Lebanon. Layunin nitong magbigay ng agarang aksyon at tulong, lalo na sa mga nangangailangan ng repatriation para sa kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa. Maaaring tumawag ang mga Pilipino… Continue reading OWWA, naglunsad ng Lebanon Help Desk para sa mga OFW

Valenzuela City LGU, namigay ng sasakyan sa mga Public School sa lungsod

Nagkaloob ng mga bagong sasakyan ang Valenzuela City Government at ng Office ni Senator Win Gatchalian sa mga pampublikong paaralan sa lungsod. Kabuuang 63 WIN Serbisyo Vans ang ipinamigay sa 36 na Public School sa lungsod para magamit sa pangkalahatang pangangailangan sa transportasyon ng mga paaralan Bawat isang van ay nagkakahalaga ng Php 1,099,900, para… Continue reading Valenzuela City LGU, namigay ng sasakyan sa mga Public School sa lungsod

Ilan pang pamilyang katutubo na naapektuhan ng malakas na lindol sa Cotabato, binigyan ng housing units ng NHA

default

May 75 katutubong pamilyang Manobo-Tinananon sa Barangay Libertad, Arakan, Cotabato ang nakatanggap na ng pabahay mula sa National Housing Authority (NHA). Ang mga pamilyang ito ay kabilang sa displaced families dahil sa nangyaring malakas na lindol na nagyari noong 2019. Ayon kay NHA XII Regional Manager Engr. Zenaida Cabiles, ang kaloob na pabahay ay parte… Continue reading Ilan pang pamilyang katutubo na naapektuhan ng malakas na lindol sa Cotabato, binigyan ng housing units ng NHA

Pag-rescue sa mga palaboy sa lansangan, pinaigting na ng DSWD at LGUs

Kabuuang 111 palaboy ng lansangan ang nasagip ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kabilang ang 18 bata o mga Children in Street Situation (CISS). Nagsanib pwersa ang DSWD Pag-abot Program, Lokal na Pamahalaan ng Caloocan, Quezon City, Metropolitan Manila Development Authority at Philippine National Police-NCRPO sa isang reach-out operation sa mga area of… Continue reading Pag-rescue sa mga palaboy sa lansangan, pinaigting na ng DSWD at LGUs