Sama Sama 2024 Joint Exercise ng Pilipinas at Estados Unidos, umarangkada na

Nagsimula na ang Sama Sama 2024 Joint Exercise ng Pilipinas at U.S sa Subic, Zambales. Ang naturang aktibidad ay bahagi ng Cooperation Afloat Readiness and Training (CARAT) na naglalayong palakasin ang kakayahan ng dalawang bansa sa pagharap sa mga non-traditional security concerns. Kabilang dito ang territorial defense, man-made disasters, terrorism, maritime security, at transnational crimes… Continue reading Sama Sama 2024 Joint Exercise ng Pilipinas at Estados Unidos, umarangkada na

Lisensya ng isang manning agency, kinansela ng DMW dahil sa umano’y paglabag sa karapatan ng mahigit 300 mangingisda

Kinansela ng Department of Migrant Workers (DMW) ang lisensya ng Buwan Tala Manning Inc. dahil sa paglabag sa karapatan ng mahigit 300 mangingisdang Pilipino. Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, naghain ng reklamo ang mga mangingisda sa Migrant Workers Protection Bureau laban sa manning agency dahil sa hindi pagbabayad ng sahod, pagtatrabaho ng lampas… Continue reading Lisensya ng isang manning agency, kinansela ng DMW dahil sa umano’y paglabag sa karapatan ng mahigit 300 mangingisda

Kamara, titiyaking may sapat na alokasyon ang pagpapatupad ng Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act

Pinapurihan ni Speaker Martin Romualdez ang pagbibigay prayoridad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa national security at defense modernization, kasunod ng pormal na paglagda sa Republic Act (RA) 10242 o Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act. Nilalayon ng batas na ito na palakasin ang national defense industry ng bansa sa pamamagitan ng military at civilian… Continue reading Kamara, titiyaking may sapat na alokasyon ang pagpapatupad ng Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act

COMELEC NCR may paalala sa substitution ng kandidato

Nagpaalala si Commission on Elections (COMELEC) NCR Assistant Regional Election Director Atty. Jovencio Balanquit sa mga kandidato, na hanggang ngayong araw lang sila maaari mag withdraw ng kandidatura at magkaroon ng substitution. Ayon sa opisyal kung magkakaroon ng pagpapalit ng kandidato ay kailangan muna bawiin ang una nitong inihaing certificate of candidacy (COC) at maghain ng… Continue reading COMELEC NCR may paalala sa substitution ng kandidato

Mga naghain ng kandidatura pagka-kongresista sa NCR, umabot ng 93

Alas singko trenta’t otso ng hapon opisyal na nagsara ang pagtaranggap ng COMELEC-NCR ng Certificate of Candidacy (COC) para sa mga tatakbong district representative sa NCR. Sa labimpitong lungsod ng NCR, 93 kandidato ang naghain ng COC para kumatawan sa mga distrito sa kamaynilaan. Bahagya lang itong mas mataas kung ikukumpara sa mga naghain ng… Continue reading Mga naghain ng kandidatura pagka-kongresista sa NCR, umabot ng 93

BFAR, di magpapatinag sa kabila ng pagbomba ng water cannon ng Chinese vessel sa isang barko nito sa Bajo de Masinloc

Hindi magpapasindak ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa insidente ng pambobomba ng tubig ng Chinese Coastguard sa isang barko nito sa Bajo de Masinloc. Sa pahayag ng BFAR, hindi mapipigilan ng insidente ang pagtupad ng BFAR sa misyon nito na magpatrolya sa lahat ng mga maritime zone ng Pilipinas. Gayundin sa pagbibigay ng suporta… Continue reading BFAR, di magpapatinag sa kabila ng pagbomba ng water cannon ng Chinese vessel sa isang barko nito sa Bajo de Masinloc

Ika-8 araw ng COC filing, nananatiling payapa – PNP

Nananatiling mapayapa at maayos ang sitwasyon sa mga tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-walo at huling na araw ng pagsusumite ng certificate of candidacy (COC). Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson, Police Brigadier General Jean Fajardo, as of 12 noon kanina, wala silang natatanggap na ano mang report ng tensyon o gulo… Continue reading Ika-8 araw ng COC filing, nananatiling payapa – PNP

Dating Mandaluyong solon, isusulong ang regulasyon ng AI at pangangalaga sa mental health ng mga taga-media

Isa sa mga nais tutukan ni dating Mandaluyong Lone District Representative Queenie Gonzales ang panukalang batas para sa regulasyon ng artificial intelligence (AI) at pangangalaga sa mental health ng mga taga media. Bilang isang dating reporter sabi ni Gonzales, sakaling makabalik sa Kongreso sa 2025 kailangan mapangalagaan ang mental health ng bawat media employee. Sabi… Continue reading Dating Mandaluyong solon, isusulong ang regulasyon ng AI at pangangalaga sa mental health ng mga taga-media

Back-to-back good news ng inflation at employment rate, magdadala ng mas maraming trabaho sa bansa

Photo courtesy of Department of Finance (DOF)

Ikinatuwa ng Department of Finance (DOF) ang kambal na “good news” ng employment at inflation rate sa bansa. Naniniwala si Finance Secretary Ralph Recto, na magdudulot ito ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino at patuloy na pagbaba ng inflation. Ginawa ni Recto ang pahayag kasunod ng 1.45 million na bagong trabaho na nalikha… Continue reading Back-to-back good news ng inflation at employment rate, magdadala ng mas maraming trabaho sa bansa

6 na pulis sa Cebu kabilang ang station commander, sibak sa pwesto

Sinibak sa pwesto ang anim na tauhan ng Police Station 4 sa Marigondon, Lapu Lapu City, Cebu dahil sa umano’y panggugulpi sa isang criminology student. Sa isang pulong balitaan sa Camp Crame, kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson, Police Brigadier General Jean Fajardo na agad ipinag-utos ang pansamantalang pag-alis sa pwesto sa mga pulis… Continue reading 6 na pulis sa Cebu kabilang ang station commander, sibak sa pwesto