Pag-ulan sa kalapit lalawigan kabilang ang Metro Manila, asahan ngayong araw – PAGASA

Inaasahan na ang katamtaman hanggang malakas na ulan sa mga kalapit lalawigan ngayong hapon. Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA, mararanasan ang mga pag-ulan sa loob ng dalawang oras  sa Lalawigan ng Nueva Ecija, Rizal, Batangas, Bataan at Bulacan. Malakas hanggang matinding pag-ulan din ang mararanasan sa Cavite, Tarlac (Mayantoc, Camiling, San Clemente, Santa… Continue reading Pag-ulan sa kalapit lalawigan kabilang ang Metro Manila, asahan ngayong araw – PAGASA

Responsible tourism, panawagan ng DOT sa publiko matapos makakuha ng international award

Pinasalamatan ng Department of Tourism (DOT) ang lahat ng mga manlalakbay sa buong mundo na patuloy na bumibisita at dumadayo sa Pilipinas. Ito ay matapos kilalanin ng prestihiyosong Condé Nast Traveler’s 2024 Readers’ Choice Awards ang Pilipinas dahil apat sa sampung isla ng bansa ang pasok sa top 10 islands in Asia. Ayon kay Tourism… Continue reading Responsible tourism, panawagan ng DOT sa publiko matapos makakuha ng international award

COMELEC Cebu Province, nakatanggap ng 42 COC para sa midterm elections

Umabot sa 42 na Certificate of Candidacy (COC) ang isinumite sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) Cebu Provincial Office mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8, 2024, para sa 2025 midterm elections. Ayon kay Comelec Cebu Provincial Election Supervisor Atty. Marchel Sarno, naging maayos ang isinagawang filing of COC sa kanyang opisina. Pinakaunang naghain ng… Continue reading COMELEC Cebu Province, nakatanggap ng 42 COC para sa midterm elections

3 Agricultural Food Importers, inilagay sa blacklist ng DA at BPI

Inilagay na sa “blacklist” ng Department of Agriculture at Bureau of Plant Industry ang 3 Agricultural Food Importers habang 5 iba pa ang nanganganib na bawian ng import licenses dahil sa illegal trade activities. Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., ang mga food importers na ito ay ang LVM Grains Enterprises, na nag… Continue reading 3 Agricultural Food Importers, inilagay sa blacklist ng DA at BPI

Pagbabalik ng death penalty, itinutulak ng party-list solon para sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan

Nais na rin ni CIBAC Party-list Representative Bro. Eddie Villanueva na ibalik ang parusang kamatayan. Ito aniya ay mahinto na ang pagnanakaw ng mga opisyal ng gobyerno sa kaban ng bayan. Para sa mambabatas, death penalty ang dapat ipataw na parusa sa mga convicted o mapatutunayan na nagnakaw ng hindi bababa sa P100 milyong mula… Continue reading Pagbabalik ng death penalty, itinutulak ng party-list solon para sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan

Manguerra, makakatunggali ang kasalukuyang alkalde ng Pasay City para sa pagka-alkalde sa Halalan 2025

Photo courtesy of Councilor Wowee Manguerra FB page Tunggaliang Mayor Emi Calixto-Rubiano at Councilor Wowee Manguerra ang matutunghayan ng mga Pasayeño sa 2025 local elections sa lungsod. Ito ay matapos humabol sa filing kahapon (October 8 ) si Manguerra ng kanyang Certificate of Candidacy para sa pagkaalkalde ng lungsod Pasay. Plataporma ng opisyal na palakasin… Continue reading Manguerra, makakatunggali ang kasalukuyang alkalde ng Pasay City para sa pagka-alkalde sa Halalan 2025

Pagpapalalim ng strategic partnership ng Pilipinas at Vietnam, pinagtibay sa bilateral meeting nina Pangulong Marcos Jr. at PM Chinh

Photo courtesy of Presidential Communications Office Pinagtibay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Vietnam Prime Minister Pham Minh Chinh ang commitment na paigtingin pa ang strategic partnership sa pagitan ng dalawang bansa. Sa bilateral meeting sa pagitan ng dalawang lider, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na ang mga nagdaang pulong at opisyal na pag-uusap… Continue reading Pagpapalalim ng strategic partnership ng Pilipinas at Vietnam, pinagtibay sa bilateral meeting nina Pangulong Marcos Jr. at PM Chinh

DAR, nakatakdang magkaloob ng 7 farm-to-market road sa mga liblib na barangay ng Eastern Samar

Nakatakda nang i-turn over ng Department of Agrarian Reform ang 7 katatapos lamang na farm-to-market road projects sa 8 liblib na barangay sa Oras, Eastern Samar. Ang mga proyekto ay pinondohan ng P100-M sa ilalim ng Agrarian Reform Fund (ARF). Na-inspeksyon na ng Project Management Service (PMS) ng DAR ang mga kalsada bilang paghahanda para… Continue reading DAR, nakatakdang magkaloob ng 7 farm-to-market road sa mga liblib na barangay ng Eastern Samar

Lanao del Norte 1st District Rep. Khalid Dimaporo, kakandidato sa pagka-Gobernador sa lalawigan sa 2025 midterm elections

Opisyal nang kakandidato sa pagka-Gobernador ng lalawigan ng Lanao del Norte si incumbent 1st District Rep. Mohamad Khalid Q. Dimaporo para sa darating na 2025 midterm elections. Nakapaghain na rin ng Certificate of Candidacy (COC) si Dimaporo nitong Oktubre 8, sa huling araw ng paghahain ng pagkakandidatura. Si Dimaporo ay naghain ng pagkakandidatura sa ilalim… Continue reading Lanao del Norte 1st District Rep. Khalid Dimaporo, kakandidato sa pagka-Gobernador sa lalawigan sa 2025 midterm elections

Digitalisasyon at unified 911 system, kasama sa magiging prayoridad ni DILG Sec. Remulla

Inilatag na ng bagong talagang kalihim na si Sec. Jonvic Remulla ang ilan sa ipaprayoridad nito sa pamamahala sa Department of the Interior and Local Government. Ito matapos ang pakikipagpulong kay dating Sec. Benhur Abalos at pormal na pag-turnover sa kanya ng pamumuno ng DILG. Ayon kay Sec. Remulla, kasama sa itutulak nito ang structural… Continue reading Digitalisasyon at unified 911 system, kasama sa magiging prayoridad ni DILG Sec. Remulla