Comelec, mananatiling transparent sa lahat ng paghahanda sa Halalan 2025

Tiniyak ng Commission on Elections na mananatiling transparent ang poll body sa lahat ng proseso ng paghahanda sa 2025 Midterm Election. Sa panayam kay Comelec Chair George Erwin Garcia, inanyayahan nito ang mga myembro ng media sa October 11 na samahan sila sa pag-inspect source code. Ang source code ay ang human readable version ng… Continue reading Comelec, mananatiling transparent sa lahat ng paghahanda sa Halalan 2025

Elounges sa mga Revenue District Offices, pina-uupgrade ni BIR Comm. Lumagui

Inatasan na ni BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. ang lahat ng Revenue District Offices (RDOs) na iupgrade ang kanilang eLounges at magtalaga ng dedicated revenue personnel para alalayan ang mga taxpayer. Nakasaad ito sa inilabas na Revenue Memorandum Order No. 39-2024 (RMO No. 39-2024), na layong mas mapadali ang pagbabayad sa buwis ng taxpayer.… Continue reading Elounges sa mga Revenue District Offices, pina-uupgrade ni BIR Comm. Lumagui

11 PDLs, nakapagtapos ng pag-aaral sa loob ng piitan

Ipinagmalaki ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang pagtatapos sa kolehiyo ng 11 Persons Deprived of Liberty. Natapos ng mga ito ang kanilang degree sa Bachelor of Science in Entrepreneurship. Kasabay nito ay nakapagtapos naman ng Senior High School ang 57 iba pang PDLs. Gagawin ang nasabing graduation mamayang alas-dos… Continue reading 11 PDLs, nakapagtapos ng pag-aaral sa loob ng piitan

Trade Union Congress of the Philippines, patuloy na isusulong ang legislated wake hike sa Kongreso

Patuloy na isusulong ng Trade Union Congress of the Philippines ang pagsasabatas ng P150 na umento sa sahod para sa mangagawa sa pribadong sektor. Ito ang inihayag ni TUCP Legislative Officer Carlos Miguel Onate kasabay ng kanilang paghahain ng Certificate of Nomination and Acceptance. Nanawagan si Onate kay House Speaker Martin Romualdez at Committee on… Continue reading Trade Union Congress of the Philippines, patuloy na isusulong ang legislated wake hike sa Kongreso

Pangulong Marcos, gagamitin ang ASEAN, upang makabuo ng mga kooperasyon para sa pagtugon sa mga hamong dala ng makabagong panahon

Isa sa mga tututukan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pakikibahagi ng pangulo sa ika-44 at 45 ASEAN Summit sa Vientiane, Laos ay ang paghahanap ng kooperasyon sa mga kabalikat nito, upang mas angkop na matugunan ang mga hamong kinahaharap ng Pilipinas, bunsod ng nagbabagong panahon. “So, my participation and that of the Philippines… Continue reading Pangulong Marcos, gagamitin ang ASEAN, upang makabuo ng mga kooperasyon para sa pagtugon sa mga hamong dala ng makabagong panahon

Isa sa mga sinasabing co-incorporator ng POGO hub sa Bamban, Tarlac, sumuko sa NBI

Matapos ang naging pagdinig ng Senado kagabi (October 8), sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) si Merlie Joy Castro, isa sa mga kapwa akusado ni dating mayor Alice Guo sa kasong ‘qualified human trafficking’ kaugnay ng operasyon ng POGO hub sa Bamban, Tarlac. Sa kanyang pagharap sa Senate hearing, ipinahayag ni Castro ang pangamba… Continue reading Isa sa mga sinasabing co-incorporator ng POGO hub sa Bamban, Tarlac, sumuko sa NBI

POGO Hub sa Island Cove sa Cavite, magsasara sa Dec. 15 – DILG Sec. Remulla

Kinumpirma ni DILG Sec. Jonvic Remulla na titigil na sa operasyon ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na matatagpuan sa Island Cove sa Cavite sa Dec. 15, 2024. Ayon kay Sec. Remulla, nakausap na niya kahapon ang nangangasiwa sa POGO hub na nangakong boluntaryong magsasara sa Dec. 15. Ito alinsunod na rin sa direktiba ni… Continue reading POGO Hub sa Island Cove sa Cavite, magsasara sa Dec. 15 – DILG Sec. Remulla

Presyo ng bigas sa merkado, target ng DA na mapababa sa P45 per kilo

Target ng Department of Agriculture na mapababa ang presyo ng bigas sa P45 pagdating ng Enero ng susunod na taon. Sinabi yan ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa naging pagdinig ng senado sa panukalang 2025 budget ng ahensya. Ayon kay Laurel, nag usap na sila ng National Food Authority (NFA)… Continue reading Presyo ng bigas sa merkado, target ng DA na mapababa sa P45 per kilo

Pagpapalakas sa “cyber tools” ng Pilipinas, nakapaloob sa nilagdaang Self-Reliant Defense Posture ayon sa AFP

Palalakasin pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang “cyber tools” upang malabanan ang mga banta sa cyber domain ng bansa. Ito ang tinuran ng AFP makaraang selyuhan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Self-Reliant Defense Posture (SRDP) Program ng Pamahalaan. Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, kabilang ang “cyber… Continue reading Pagpapalakas sa “cyber tools” ng Pilipinas, nakapaloob sa nilagdaang Self-Reliant Defense Posture ayon sa AFP

Bohol Sub Grid, nanatiling intact sa kabila ng tumamang 4.1 magnitude na lindol — NGCP

Hindi naapektuhan ng tumamang 4.1 magnitude na lindol sa Anda, Bohol ang serbisyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa buong lalawigan. Batay sa ulat nito, nananatiling normal ang power transmission services nito sa kabila ng tumamang lindol. Ayon pa sa NGCP, wala ding napaulat na anumang power interruption sa mga lugar na… Continue reading Bohol Sub Grid, nanatiling intact sa kabila ng tumamang 4.1 magnitude na lindol — NGCP