Pilipinas, pang-apat sa may pinakamataas na FDI in inflows sa Southeast Asia

Pang-apat ang Pilipinas sa may pinakamataas na foreign direct investment o FDIs sa Southeast Asia. Sa inilabas na ASEAN Investment Report 2024, naitala ang $8.9-B na FDI inflows sa Pilipinas nuong 2023. Ayon sa report, bagaman bumababa ang investment sa ilang industriya, nanatiling mataas ang pamumuhunan sa manufacturing at renewable energy. Ilang mga wind power… Continue reading Pilipinas, pang-apat sa may pinakamataas na FDI in inflows sa Southeast Asia

Marcos Administration, nakatuon sa pagpapalakas ng edukasyon at ekonomiya

Prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulungan ang mga mahihirap na mamamayan sa bansa. Binigyang diin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang pagbibigay ng magandang edukasyon na mag-aangat sa ekonomiya ng bansa. Bukod dito, ang ginagawa nito sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng iba’t ibang… Continue reading Marcos Administration, nakatuon sa pagpapalakas ng edukasyon at ekonomiya

Mga ARBs sa Surigao del Sur, nagkaroon na ng internet access mula sa inisyatiba ng DAR at DICT

Kabuuang 900 farming households sa dalawang Agrarian Reform Communities sa Surigao del Sur ang nakinabang sa pinalawak na internet access sa Caraga Region. Ang proyekto ay inisyatiba ng Department of Agrarian Reform at Department of Information and Communications Technology sa pakikipagtulungan ng USAID Beacon at unconnected.org. Ayon sa DAR, ginamit ng dalawang bagong activated community… Continue reading Mga ARBs sa Surigao del Sur, nagkaroon na ng internet access mula sa inisyatiba ng DAR at DICT

Finance Chief, di pabor sa panukalang “wealth tax”

Photo courtesy of Department of Finance Facebook page

Hindi pabor si Finance Secretary Ralph Recto na magpataw ng “wealth tax” sa ngayon sa bansa. Ginawa ni Recto ang pahayag kasunod ng panukala ng Freedom Form Debt Coalition na isulong ang wealth tax sa mga indibidwal na may yamang higit P300 million. Sa isang panayam sinabi ni Recto, na sa ngayon marami ng wealth… Continue reading Finance Chief, di pabor sa panukalang “wealth tax”

LGU-Lanao del Norte at Initao, Misamis Oriental, sumailalim sa PRDP Scale-Up seminar-workshop

Sumailalim sa apat (4) na araw na seminar-workshop ng Philippine Rural Development Project (PRDP) Scale Up ang Pamahalaang Probinsyal ng Lanao del Norte at Pamahalaang Pambayan ng Initao, Misamis Oriental, mula Oktubre 1 hanggang 4, sa Cagayan de Oro City. Pinangunahan ito ng Department of Agriculture (DA) PRDP sa pamamagitan ng Enterprise Development Component (I-REAP).… Continue reading LGU-Lanao del Norte at Initao, Misamis Oriental, sumailalim sa PRDP Scale-Up seminar-workshop

17 foreign nationals na sangkot sa online scamming, inaresto ng NBI

Arestado ng National Bureau of Investigation ang nasa 15 Chinese nationals, isang Malaysian at isang Taiwanese na sangkot sa iba’t-ibang uri ng online scamming. Iniharap kay NBI Director Judge Jaime B. Santiago ang mga suspek na nahuli sa pinaigting na cyber patrolling at intelligence gathering ng ahensya. Ayon kay Santiago, naaresto ang mga suspek noong… Continue reading 17 foreign nationals na sangkot sa online scamming, inaresto ng NBI

Mga shrimp operators sa iba’t ibang dako ng Northern Mindanao, pinulong ng BFAR-10

Pinulong ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 10 ang mga shrimp operators mula sa iba’t ibang bahagi ng Northern Mindanao sa isang forum nitong Oktubre 4 sa Barangay Pala-o, Iligan City. Ito ay upang talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng industriya at produksyon ng hipon sa rehiyon, lalo na sa mga lalawigan ng… Continue reading Mga shrimp operators sa iba’t ibang dako ng Northern Mindanao, pinulong ng BFAR-10

DSWD Chief, iginiit na hindi nagiging ‘Ayuda Nation’ ang Pilipinas

Pinabulaanan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga puna na umano’y nagiging “Ayuda Nation” ang bansa, kung saan karamihan sa mga Pilipino ngayon ang nakasalalay na lamang sa iba’t ibang government assistance. Ayon sa Kalihim, walang siyang nakikitang masama sa pagtulong sa mga nangangailangan dahil mandato ito ng DSWD.… Continue reading DSWD Chief, iginiit na hindi nagiging ‘Ayuda Nation’ ang Pilipinas

Tamang impormasyon sa panahon ng kalamidad, binigyang diin ni Defense Sec. Teodoro sa APMCDRR

Iginiit ni Department of National Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. ang kahalagahan ng pagpapakalat ng tamang impormasyon sa panahon ng sakuna. Ito ang binigyang diin ng Kalihim sa kaniyang talumpati sa sa pagpapatuloy ng Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction ngayong araw. Ayon kay Teodoro, disinformation aniya ang dahilan kaya’t marami ang napapahamak at… Continue reading Tamang impormasyon sa panahon ng kalamidad, binigyang diin ni Defense Sec. Teodoro sa APMCDRR

4 na suspek sa pagpatay sa ABC President at Bulacan Board Member gayundin sa driver nito, tukoy na ng Police Regional Office 3

May magandang development na sa kaso ng pamamaslang kina Association of Barangay Council (ABC) Bulacan President Ramilito Bautista Capistrano at driver nito na si Shedrick Suarez Toribio sa Malolos City, Bulacan noong October 3. Sa ulat mula kay PRO 3 Regional Director, PBGen Red Maranan, natukoy at nasampahan na ng reklamo ang 2 suspek at… Continue reading 4 na suspek sa pagpatay sa ABC President at Bulacan Board Member gayundin sa driver nito, tukoy na ng Police Regional Office 3