PNP, nangangalap ng mga ebidensya na susuporta sa mga pahayag ni dating PCSO GM Garma

Hinihintay ng Philippine National Police (PNP) ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon ng House Quad Committee kaugnay sa mga naging pagbubunyag ni dating PCSO General Manager Royina Garma. Ayon kay PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil, habang naghihintay ay mangangalap din sila ng mga impormasyon na magagamit din nila sa imbestigasyon..Sa sandaling kailanganin ng Quad Comm,… Continue reading PNP, nangangalap ng mga ebidensya na susuporta sa mga pahayag ni dating PCSO GM Garma

Kaso ng pambu-bully sa isang estudyante sa Pasig City na nag-viral sa social media, iniimbestigahan na ng LGU

Pumasok na sa imbestigasyon ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig kaugnay sa insidente ng “bullying” sa isang estudyante na nag-viral pa sa social media. Sa isang pahayag, sinabi ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig na nakikipag-ugnayan na sila sa Pasig Schools Division Office hinggil dito. Sa viral video, makikita ang estudyante na pinalahuhod at ilang beses… Continue reading Kaso ng pambu-bully sa isang estudyante sa Pasig City na nag-viral sa social media, iniimbestigahan na ng LGU

Tinaguriang ‘godfather’ ng POGO sa Pilipinas, Cassandra Ong, at Alice Guo, dapat pagharapin — QuadComm Chair

Hindi isinasantabi ni Quad Committee Lead Chair Robert Ace Barbers na maimbitahan sa pagdinig ng kanilang komite ang tinaguriang “godfather” ng POGO sa Pilipinas na si Lyu Dong. Huwebes nang mahuli ng mga awtoridad sa Laguna si Lyu na siyang “big boss” ng ipinasarang POGO hub sa Porac, Pampanga na Lucky South 99. Ani Barbers,… Continue reading Tinaguriang ‘godfather’ ng POGO sa Pilipinas, Cassandra Ong, at Alice Guo, dapat pagharapin — QuadComm Chair

House Minority leader, nanawagan ng sapat ng proteksyon at seguridad para sa mga key witness na humaharap sa QuadComm

Nanawagan ngayon si House Minority Leader Marcelino Libanan sa mga ahensya ng pamahalaan na mabigyan ng sapat na proteksyon at seguridad ang mga key witness sa Quad Committee ng Kamara na naglahad ng mga testimonya partikular na sa kontrobersyal na war on drugs ng nakaraang administrasyon. “There’s no question that witnesses such as retired police… Continue reading House Minority leader, nanawagan ng sapat ng proteksyon at seguridad para sa mga key witness na humaharap sa QuadComm

DND, duda sa intensyon ng China hinggil sa pagbuo ng Code of Conduct sa West Philippine Sea

Duda si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa naging pahayag ng China na bukas ito para sa negosasyon hinggil sa pagbuo ng Code of Conduct sa West Philippine Sea (WPS). Ito’y sa kabila na rin ng lumalalang tensyon sa naturang karagatan kung saan, pinakabagong insidente rito ang ginawang pagbomba ng water cannon ng China Coast… Continue reading DND, duda sa intensyon ng China hinggil sa pagbuo ng Code of Conduct sa West Philippine Sea

Ilang mga motorista sa San Juan City, nagpa-full tank na bago pa man ilarga ang bigtime oil price hike

Sunod-sunod ang pagdating ng mga motoristang nais magpakarga sa mga gasolinahan mula pa kagabi hanggang kaninang madaling araw. Tila hinahabol na kasi ng mga ito ang malakihang umento sa presyo ng mga produktong petrolyo, epektibo ngayong araw kung saan, ilan sa mga motorista ay nagpa-full tank na. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa San Juan… Continue reading Ilang mga motorista sa San Juan City, nagpa-full tank na bago pa man ilarga ang bigtime oil price hike

Pagsuspinde ng number coding, di kailangan sa kabila ng nagpapatuloy na Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction sa Pasay City

Nanindigan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na walang pangangailangan para suspendehin ang number coding. Ito’y sa kabila ng nagpapatuloy na Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction sa Pasay City kung saan, dumalo ang daan-daang delegado mula sa humigit kumulang 70 bansa. Ayon kay MMDA Chairperson, Atty. Don Artes kaya hindi na nila sinuspende… Continue reading Pagsuspinde ng number coding, di kailangan sa kabila ng nagpapatuloy na Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction sa Pasay City

Tulong ng DSWD, para sa lahat — Sec. Gatchalian

Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na walang pinipili ang kagawaran at binibigyan ng tulong ang lahat ng mga benepisyaryong nangangailangan. Tugon ito sa isyung binanggit ni Senador Bong Go tungkol sa umano’y pamumulitika sa pamamahagi ng tulong pinansyal ng DSWD. Sa budget deliberation sa Senado, sinabi ng kalihim… Continue reading Tulong ng DSWD, para sa lahat — Sec. Gatchalian

10 biktima ng prostitusyon, nasagip sa isinagawang operasyon ng PNP-ACG sa Quezon Province

Hindi bababa sa 10 kababaihan na sinasabing biktima ng prostitusyon ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG). Ito’y sa magkahiwalay na operasyon na kanilang ikinasa sa mga bayan ng Tayabas at Lucena sa Quezon Province kung saan dalawang prostitution den ang nalansag. Ayon kay PNP-ACG Director, PMGen. Ronnie Francis Cariaga,… Continue reading 10 biktima ng prostitusyon, nasagip sa isinagawang operasyon ng PNP-ACG sa Quezon Province

50 pampublikong eskwelahan sa QC, lalagyan ng solar panels

Tina-target na ng Quezon City government na palawakin sa mga pampublikong paaralan ang paggamit ng renewable energy. Sa bisa ng isang Memorandum of Agreement na nilagdaan nina Mayor Joy Belmonte, Schools Division Office Superintendent Carleen Sedilla, City Administrator Mike Alimurung, at City Engineer Atty. Dale Perral, planong i-solarize na rin ang mga pampublikong eskwelahan sa… Continue reading 50 pampublikong eskwelahan sa QC, lalagyan ng solar panels