House leaders kay VP Sara: Huwag manira at sagutin na lang ang alegasyon ng di tamang paggasta sa pondo

Pinalagan ng liderato ng Kamara ang patuloy na pag-iwas ni Vice Preisent Sara Duterte na sagutin ang mga alegasyon ng maling paggamit ng pondo ng kaniyang tanggapan at ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng kaniyang pamumuno. Ayon kina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. at House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, panahon nang… Continue reading House leaders kay VP Sara: Huwag manira at sagutin na lang ang alegasyon ng di tamang paggasta sa pondo

KOJC Leader Ptr Apollo Quiboloy, mananatili muna sa Camp Crame

Wala pang inilalabas na utos ang korte sa Pasig City para ituloy ang paglilipat kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy mula sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center patungo sa City Jail. Ito ay matapos na ibasura ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 159 ang hiling ng kampo ng religious… Continue reading KOJC Leader Ptr Apollo Quiboloy, mananatili muna sa Camp Crame

Senate Blue Ribbon Committee, pwedeng manguna sa imbestigasyon ng war on drugs ng Duterte admin

Iminumungkahi ni Senate President Chiz Escudero na ang Senate Blue Ribbon Committee muna ang humawak ng Senate inquiry tungkol sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte habang naka break pa ang sesyon ng Senado. Sa isang panayam, sinabi ni Escudero, na sa ilalim kasi ng rules ng senado, ang Blue Ribbon… Continue reading Senate Blue Ribbon Committee, pwedeng manguna sa imbestigasyon ng war on drugs ng Duterte admin

Mahigit 1,200 na tauhan ng MMDA, ide-deploy sa panahon ng Undas 2024

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa paparating na Undas 2024. Sa pulong balitaan sa Pasig City kasama ang iba’t ibang kinatawan ng lokal na pamahalaan at Philippine National Police (PNP), sinabi ni MMDA Chairperson Atty. Don Artes, na mahigit 1,200 na mga tauhan ng ahensya ang ipakakalat sa… Continue reading Mahigit 1,200 na tauhan ng MMDA, ide-deploy sa panahon ng Undas 2024

Isyu ng disaster risk reduction, dapat gawing election issue — Sen. Legarda

Giniit ni Senator Loren Legarda na dapat gawing election issue ang mga paksa kaugnay sa disaster risk reduction o mga hakbangin upang mabawasan ang panganib sa epekto ng kalamidad. Ayon kay Legarda, mahalagang maitanong sa mga kandidato at maging sa mga lokal na opisyal kung ano ang plano nila para mabawasan ang epekto ng kalamidad… Continue reading Isyu ng disaster risk reduction, dapat gawing election issue — Sen. Legarda

ARAL Law, titiyakin na walang mag-aaral ang maiiwan sa learning process

Pinapurihan ni Speaker Martin Romualdez ang ganap na pagiging batas ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Law. Diin ng lider ng Kamara, na ang makasaysayang batas na ito ay titiyak na ang mga mag-aaral sa pampubliko at pribadong eskwelahan na hirap makasabay sa learning process ay hindi maiiwan. Ang ARAL program ang magiging national… Continue reading ARAL Law, titiyakin na walang mag-aaral ang maiiwan sa learning process

PNP, tututukan ang pagtugis kay Harry Roque sa Mindanao matapos matukoy ang kanyang presensya sa rehiyon

Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na tututukan na nila ang manhunt operation para kay dating presidential spokesperson Harry Roque sa Mindanao. Ito ay matapos makatanggap ng ulat na posibleng nagtatago ito sa rehiyon. Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, unang isinagawa ang pagtugis kay Roque sa mga rehiyon ng Central Luzon… Continue reading PNP, tututukan ang pagtugis kay Harry Roque sa Mindanao matapos matukoy ang kanyang presensya sa rehiyon

PBBM: Edukasyon, pinakamahalagang pamana na iiwan ng administrasyon sa mga kabataan

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang edukasyon ang pinakamahalagang pamana na maibibigay para sa mga kabataan at sa susunod pang henerasyon ng mga Pilipino. Pahayag ito ng Pangulo sa ceremonial signing ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act sa Malacañang, ngayong araw (October 18). Ito ang batas na layong… Continue reading PBBM: Edukasyon, pinakamahalagang pamana na iiwan ng administrasyon sa mga kabataan

Financial Literacy Drive ng BSP para sa Pinoy workers, isinagawa sa Iloilo City

Sinimulan na ngayong araw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang 20-day Financial Literacy Drive para sa mga Pinoy worker sa probinsya ng Iloilo. Ayon kay BSP Deputy Gov. Bernadette Romulo Puyat, makatutulong ito para sa mas mahusay na financial decisions gaya ng pagbili ng properties, pagsisimula ng negosyo, pag-iipon para sa edukasyon, paghahanda sa… Continue reading Financial Literacy Drive ng BSP para sa Pinoy workers, isinagawa sa Iloilo City

Pamahalaan, umaapela sa mga tsuper at kooperatiba na nais pang humabol sa franchise consolidation application na samantalahin na ang muling pagbubukas nito

Umaapela ang pamahalaan sa mga tsuper at PUV operators na samantalahin na ang muling pagbubukas ng aplikasyon para sa franchise consolidation ng mga ito. Mayroon pa rin itong kaugnayan sa PUV Modernization Program ng pamahalaan. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Transportation Asec. Andy Ortega na may 45 araw ang mga ito na sumali sa… Continue reading Pamahalaan, umaapela sa mga tsuper at kooperatiba na nais pang humabol sa franchise consolidation application na samantalahin na ang muling pagbubukas nito