H.E. Prabowo Subianto, opisyal nang nanumpa bilang ikawalong pangulo ng Indonesia

Opisyal nang naupo sa pwesto si Indonesian President Prabowo Subianto bilang ikawalong pangulo ng Indonesia. Ito ay matapos makapanumpa sa pwesto sa People’s Consultative Assembly / House of Representatives Building, Jakarta, na sinaksihan mismo nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta – Marcos. Present rin sa kaganapan si Brunei Darussalam Sultan… Continue reading H.E. Prabowo Subianto, opisyal nang nanumpa bilang ikawalong pangulo ng Indonesia

DPWH Panguil Bay Bridge project, binigyang pagkilala sa South Korea

Pinarangalan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng prestihiyosong 2024 Excellent Structure Award mula sa Korean Institute of Bridge and Structural Engineering (KIBSE) para sa proyekto nitong Panguil Bay Bridge sa Mindanao. Tinanggap ni DPWH Senior Undersecretary Emil Sadain ang parangal sa isang seremonya na ginanap mismo sa Jeju Island, South Korea. Isa… Continue reading DPWH Panguil Bay Bridge project, binigyang pagkilala sa South Korea

Ilan pang bike shed na proyekto ng QC LGU, binuksan na

Pormal nang pinasinayaan ng Quezon City Local Government ang dalawang end-of-trip cycling facilities sa loob ng Ismael Mathay Sr. High School. Sa kabuuan, umabot na sa 15 sets ng bike shed ang operational na sa Lungsod Quezon. Ayon sa LGU, kumpleto ito sa bike racks, shed at repair stations. Prayoridad umano ang paglalagay ng mga… Continue reading Ilan pang bike shed na proyekto ng QC LGU, binuksan na

Dalawang puganteng Koreano, arestado ng BI

Inaresto ng mga agent ng Bureau of Immigration (BI) sa dalawang magkahiwalay na operasyon ang dalawang South Korean fugitives na sinasabing wanted sa kanilang bansa. Noong Oktubre 12, hinuli ng BI si Choi Jonguk, 42-anyos, sa Barangay Tambo, Parañaque City. Si Choi ay wanted simula pa noong 2019 dahil sa pagpapatakbo ng isang illegal na… Continue reading Dalawang puganteng Koreano, arestado ng BI

Dalawang obra na humihikayat sa pagtugon sa UN Sustainable Development Goals, ipinakilala sa publiko ngayong UN Month

Ipinakilala sa publiko ng Earthsavers DREAMS Ensemble (ESDE) sa isang kaganapan sa Manila City Hall Clock Tower ang dalawang makabuluhang likhang sining na humihikayat sa pagtugon sa United Nations (UN) Sustainable Development Goals (SGD’s) ngayong UN Month. Ang unang likhang sining, na tinawag na Tawid Dagat, na hango sa The Raft of the Medusa ni… Continue reading Dalawang obra na humihikayat sa pagtugon sa UN Sustainable Development Goals, ipinakilala sa publiko ngayong UN Month

‘Talakayang Makabata,’ tugon ng DSWD laban sa karahasan sa mga bata

Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagkakaroon ng mga preventive measures upang labanan ang karahasan sa mga bata. Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, ang prevention ay isa sa mga susi upang matiyak na maprotektahan ang mga kabataan sa pang-aabuso. Aniya, kabilang sa mga programa ng DSWD ang Parent… Continue reading ‘Talakayang Makabata,’ tugon ng DSWD laban sa karahasan sa mga bata

Bulkang Kanlaon, muling nagbuga ng abo— PHIVOLCS

Muling pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko sa banta pang pagputok ng bulkang Kanlaon sa Negros Islands. Kasunod ito ng naobserbahan na tatlong mahihinang pagbuga ng abo kahapon ng umaga na may taas na 500 metro. Ang ashing events ay tumagal ng dalawa hanggang anim na minuto at napadpad patungong Timog-Kanluran. Wala namang naitalang paglindol o… Continue reading Bulkang Kanlaon, muling nagbuga ng abo— PHIVOLCS

Dolphin na nai-stranded sa baybayin ng Aparri, Cagayan, na-rescue ng mga kawani ng PCG at BFAR

Magkatuwang na tinulungang i-rescue ng mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), at ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ang isang babaeng Fraser’s dolphin na napadpad sa baybayin ng Barangay Punta, Aparri, Cagayan. Sa isinagawang pag-rescue, masusing sinuri ang nasabing buhay-ilang upang matiyak na wala itong… Continue reading Dolphin na nai-stranded sa baybayin ng Aparri, Cagayan, na-rescue ng mga kawani ng PCG at BFAR

Quezon City Jail Female Dormitory, pinagkalooban ng ‘Tulong Palasyo’ care package mula sa Unang Ginang

Kahon-kahong hygiene kits ang ipinadala ng tanggapan ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa Quezon City Jail Female Dormitory. Ayon kay QCJFD Jail Chief Insp. Lourvina Abrazado, hinatid ng Presidential Management Staff ang 630 kahon ng ‘Tulong Palasyo’ Care Package para sa mga Person Deprived of Liberty (PDL). Naglalaman ang mga ito ng mga toothpaste, toothbrush,… Continue reading Quezon City Jail Female Dormitory, pinagkalooban ng ‘Tulong Palasyo’ care package mula sa Unang Ginang

Tatlong coastal water sa Visayas, ligtas na sa red tide— BFAR

Nagnegatibo na sa paralytic shellfish poison o toxic red tide ang tatlong baybaying dagat sa Visayas Region. Batay ito sa pinakahuling resulta ng laboratory examintation ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. Ayon sa BFAR, maaari nang maghango at kainin ang mga lamang dagat na makukuha sa Maqueda at Cambatutay Bays sa Samar at Matarinao… Continue reading Tatlong coastal water sa Visayas, ligtas na sa red tide— BFAR