Klase at Trabaho sa Pamahalaan sa Samar, suspendido dahil sa bagyong Kristine

Sinuspende na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Samar ang klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong mga paaralan. Suspendido na rin ang trabaho sa lahat ng opisina ng gobyerno sa Probinsya ng Samar ngayong araw ng Martes dahil sa Tropical Storm Kristine. Base sa ibinabang Tropical Cyclone Bulletin no.5 ng Pag-asa, isinasailalim pa rin… Continue reading Klase at Trabaho sa Pamahalaan sa Samar, suspendido dahil sa bagyong Kristine

Mga guro at non-teaching personnel ng DepEd sa Leyte, naabutan ng tulong sa pamamagitan ng AKAP

Bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng Teacher’s Day, higit 4,500 na mga guro at non-teaching personnel ng Department of Education (DepEd) mula Palo, Sta. Fe, Alangalang, San Miguel, Babatngon, Tanauan, at Tolosa sa Leyte ang nakatanggap ng tulong sa pamamagitan ng “AKAP Para kay Ma’am at Sir.” Ang programa ay naisakatuparan sa pamamagitan ng… Continue reading Mga guro at non-teaching personnel ng DepEd sa Leyte, naabutan ng tulong sa pamamagitan ng AKAP

Problema sa baha, tutugunan sa drainage masterplan ng QC LGU

Nangako si Quezon City Mayor Joy Belmonte na mas paiigtingin pa ang hakbang para maresolba ang problema ng pagbaha sa lungsod. Ito ang isa sa naging tampok sa ikaanim na City Address ni Mayor Belmonte na ginanap sa kabubukas na MICE Center sa QC Hall compound kahapon. Tinukoy ng alkalde ang nasa ₱123-bilyong pondo na… Continue reading Problema sa baha, tutugunan sa drainage masterplan ng QC LGU

Ilang kalsada sa Bula, Camarines Sur, hindi madaanan dahil sa baha

Naglabas na ng abiso ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng bayan ng Bula, Camarines Sur na hindi na madaanan ng mga sasakyan ang ilang kalsada sa nasabing bayan dahil sa naitalang pagbaha. Sa Traffic Advisory ng MDRRMO Bula, ang tertiary national road sa bahagi ng Barangay Panoypoyan at Ombao Heights sa… Continue reading Ilang kalsada sa Bula, Camarines Sur, hindi madaanan dahil sa baha

Mga food packs na ipamimigay sa mga posibleng maapektuhan ng bagyong Kristine sa Camsur, inihanda na

Bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng bagyong Kristine sa lalawigan ng Camarines Sur, inihahanda na ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga food packs na ipamamahagi sa mga posibleng maapektuhan ng nasabing sama ng panahon. Ang hakbang na ito ay upang matiyak ang mabilis na paghahatid ng tulong at asistensya sa mga maaapektuhan ng bagyo sa lalawigan.… Continue reading Mga food packs na ipamimigay sa mga posibleng maapektuhan ng bagyong Kristine sa Camsur, inihanda na

BAN Toxics, nanawagan na bawasan ang basura sa Undas

Habang papalapit ang Undas ay muling umapela sa publiko ang Waste Pollution Watchdog na BAN Toxics na iwasan at bawasan ang pagkakalat ng basura sa mga bibisitahing sementeryo. Ayon sa grupo, kadalasang kakabit ng pagdagsa ng milyon-milyong Pilipino sa mga sementeryo ang tone-toneladang basura na naiiwan matapos ang pagdalaw ng mga ito. Umaasa ang BAN… Continue reading BAN Toxics, nanawagan na bawasan ang basura sa Undas

Mga sakahang posibleng maapektuhan ng bagyong Kristine, tinututukan na ng DA

Mahigpit nang binabantayan ng Department of Agriculture (DA) ang posibleng epekto ng bagyong Kristine sa sektor ng pagsasaka. Batay sa pinakahuling pagtaya ng DA, maaaring maapektuhan ng bagyo ang nasa 1.3 milyong ektarya ng standing crops sa CAR, Regions I, II, III, IV-A, IV-B, V, VIII, at XIII. Nasa isang milyong ektarya rito ay tanim… Continue reading Mga sakahang posibleng maapektuhan ng bagyong Kristine, tinututukan na ng DA

Higit 2,000 indibidwal, apektado ng bagyong Kristine — DSWD

Nakapagtala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng inisyal na 1,813 pamilya o higit sa 2,300 indibidwal na apektado ng mga pag-ulang dala ng bagyong Kristine. Sa ngayon, karamihan ng mga apektado ay nagmula sa Bicol Region at Soccsksargen. Batay din sa datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center,… Continue reading Higit 2,000 indibidwal, apektado ng bagyong Kristine — DSWD

2 milyong volunteers ng Red Cross, naka-standby na para sa pagresponde sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyong Kristine

Naka-antabay na ang nasa dalawang milyong volunteers ng Philippine Red Cross (PRC) sa buong bansa upang rumesponde sa mga lugar na labis na maaapektuhan ng bagyong Kristine. Maliban dito, sinabi ni PRC Chairperson at dating Senador Richard Gordon na handa na ring i-deploy ang mga kagamitan para sa Disaster Response sa may 102 nilang chapters.… Continue reading 2 milyong volunteers ng Red Cross, naka-standby na para sa pagresponde sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyong Kristine

NDRRMC, nakatakdang magpulong para paganahin ang mga kinakailangang National Response Clusters nito

Nakikipag-ugnayan na ang Office of Civil Defense (OCD) sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa maagap na pagbibigay abiso sa publiko kaugnay ng bagyong Kristine. Katunayan, nakatakdang magpulong ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa kanilang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA). Kabilang sa tatalakayin sa nasabing pulong ang paglalabas ng pinakahuling… Continue reading NDRRMC, nakatakdang magpulong para paganahin ang mga kinakailangang National Response Clusters nito