Umano’y bilyong pisong flood control project sa Bicol, pinabulaanan

Pinasinungalingan ni House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co ang mga kumakalat na alegasyong binuhusan ng bilyong pisong pondo ang flood control sa Bicol. Aniya, isa ang Bicol sa may maliit na alokasyon pagdating sa national road infrastructure at flood control projects. Sabi pa niya na sa ilalim ng kasalukuyang liderato ng Kamara, sinunod nila ang… Continue reading Umano’y bilyong pisong flood control project sa Bicol, pinabulaanan

Kahalagahan ng pagkakaroon ng provincial evacuation centers sa panahon ng kalamidad, iginiit ni Sen. Tolentino

Binigyang-diin ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang kahalagahan ng pagkakaroon ng provincial evacuation centers sa panahon ng sakuna. Sa gitna ng pananalasa ng bagyong Kristine sa Bicol, inihayag ni Tolentino na mahalaga ang pagkakaroon ng provincial evacuation centers, para mabigyan ang mga lokal na pamahalaan at rescuers ng karagdagang option kung saan ligtas na… Continue reading Kahalagahan ng pagkakaroon ng provincial evacuation centers sa panahon ng kalamidad, iginiit ni Sen. Tolentino

DSWD Sec. Gatchalian, nagtungo sa Bicol upang alamin ang pangangailangan at matiyak ang patuloy na relief operations

Ibinahagi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na nagtungo siya sa Bicol Region ngayong araw, October 25, 2024 upang ma-monitor ano pa ang pangangailangan sa rehiyon matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine. Sa panayam ng Radyo Pilipinas Naga, sinabi ni Gatchalian na inatasan siya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,… Continue reading DSWD Sec. Gatchalian, nagtungo sa Bicol upang alamin ang pangangailangan at matiyak ang patuloy na relief operations

Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., iniutos na gamitin na din ang Presidential chopper para SA rescue at relief efforts ng pamahalaan

Kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gamitin na ang air at sea assets ng pamahalaan ngayong kalamidad ay isinama na din ng Punong Ehekutibo na magamit ang Presidential chopper para sa rescue at relief efforts ng pamahalaan. Sa inalabas na statement ng Pangulo, inihayag nitong ang hakbang ay bahagi ng mobilization… Continue reading Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., iniutos na gamitin na din ang Presidential chopper para SA rescue at relief efforts ng pamahalaan

LTO, kinansela ang bakasyon ng kanilang enforcers upang tiyakin ang maayos na paghahatid ng tulong sa mga sinalanta ng bagyong Kristine

Ipinag-utos ng Land Transportation Office (LTO) Chief ang pagkansela sa lahat ng bakasyon ng mga enforcer ng ahensya upang masiguradong maayos at tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong sa mga lugar sa Luzon at Visayas na matinding naapektuhan ng bagyong Kristine. Ayon kay LTO chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ito ay bilang pagtugon… Continue reading LTO, kinansela ang bakasyon ng kanilang enforcers upang tiyakin ang maayos na paghahatid ng tulong sa mga sinalanta ng bagyong Kristine

Kadiwa Rolling Stores, pinabababa ni Pangulong Marcos sa mga lugar na apektado ng bagyong Kristine

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na i-deploy ang Kadiwa Rolling Stores sa mga lugar na apektado ng Bagyong Kristine. Isa lamang ito sa mga ginagawa na ng Marcos Administration upang masiguro na maaabot ang lahat ng mga Pilipinong apektado ng bagyo, at wala ni-isa sa mga ito ang… Continue reading Kadiwa Rolling Stores, pinabababa ni Pangulong Marcos sa mga lugar na apektado ng bagyong Kristine

Bilang ng mga naitalang nasawi sa bansa dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine, umabot na sa 46

Umabot na sa 46 ang naitalang nasawi sa bansa dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine. Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Executive Director Undersecretary Ariel Nepomuceno, pinakamarami ang nasawi sa Region 5 na umabot 28 habang 15 naman ang naiulat na nasawi sa Calarbazon Region, at tig-isa naman sa Region 1, 3, at 9.… Continue reading Bilang ng mga naitalang nasawi sa bansa dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine, umabot na sa 46

PNP-Eastern Visayas naglunsad ng Unified Disaster Response na tulong sa Bicol Region

Pinangunahan ni P/BGen. Jay Cumigad, regional director ng PNP8, ang send-off ceremony para sa 150 tauhan nito, kasama ang 21 miyembro ng Maritime Unit, 6 personnel ng PCG, 16 mula sa BFP, ilang personnel ng DICT, at OCD8 na kabilang sa Unified Disaster Response team na sabay-sabay na dineploy kahapon para tumulong sa rescue operations… Continue reading PNP-Eastern Visayas naglunsad ng Unified Disaster Response na tulong sa Bicol Region

Philippine Red Cross, tiniyak ang kahandaan sa isa pang bagyong paparating sa bansa

Tiniyak ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang kahandaan sa pagdating ng isa pang bagyo na paparating sa bansa. Ito ang tiniyak ni PRC Chairman at CEO Richard Gordon sa gitna ng nagpapatuloy nilang pagresponde sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Kristine. Sa katunayan, tinawag ni Gordon ang mga panahong ito bilang “BULAGA SEASON”… Continue reading Philippine Red Cross, tiniyak ang kahandaan sa isa pang bagyong paparating sa bansa

DSWD, nakapaglaan na ng P111-M ayuda sa mga apektado ng bagyong Kristine

Walang patid pa rin sa paghahatid ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong pamilya buhat ng pananalasa ng Bagyong Kristine. Batay sa ulat ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of Oct. 25 ay umakyat na sa higit P111-M ang halaga ng relief assistance na naipamahagi… Continue reading DSWD, nakapaglaan na ng P111-M ayuda sa mga apektado ng bagyong Kristine