Ilang kalsada sa Valenzuela, baha pa rin

Nananatiling hindi passable para sa maliliit na sasakyan ang ilang kalsada sa Valenzuela City bunsod ng magdamag na ulang dala ng bagyong Kristine. Sa T. Santiago Street sa Barangay Lingunan, tanging mga truck, at mga nagbabakasakaling motor, tricycle, at mga nagbibisikleta ang tumatawid sa bahang kalsada. May ilang motor nga ang tumirik na at may… Continue reading Ilang kalsada sa Valenzuela, baha pa rin

LRT-1 limitado ang magiging byahe ngayong araw dahil sa epekto ng bagyong Kristine

Apektado na rin ng bagyong Kristine ang byahe ng LRT Line 1.  Pero sa kabila nito ay tiniyak ng LRT-1 private operator Light Rail Manila Corporation (LRMC) na magpapatuloy ang kanilang commercial operation ngayong araw.  Giit ng LRMC ito ay mula Central Terminal lamang hanggang  Fernando Poe Jr. Station at pabalik.  Paliwanag ng LRMC, patuloy… Continue reading LRT-1 limitado ang magiging byahe ngayong araw dahil sa epekto ng bagyong Kristine

Mahigit 37,000 paaralan, apektado ng bagyong Kristine — DepEd

Patuloy pang nadaragdagan ang bilang ng mga apektadong paaralan dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine. Batay sa datos ng Department of Education (DepEd), pumalo na sa 37,375 paaralan ang apektado buhat sa 15 rehiyon. Tumaas din ang bilang ng mga paaralan na nagsisilbi ngayong evacuation centers na nasa 352 habang ang mga binaha o natabunan… Continue reading Mahigit 37,000 paaralan, apektado ng bagyong Kristine — DepEd

House Speaker Romualdez, magpapadala ng 20 na rubber boats, at mga accessories sa Bicol

Inaabangan na sa Bicol International Airport Daraga Albay, ang pagdating ng 20 na rubber boats 20 na rubber boats, kasama ang 20 rin na yamaha outboard motors, at water rescue equipment tulad ng life vest, life bouy, traction rope, at rope throwing bag. Isasakay ang mga ito sa C130 plane. Nagpapasalamat si AKO Bicol Solon-House… Continue reading House Speaker Romualdez, magpapadala ng 20 na rubber boats, at mga accessories sa Bicol

109,000 family food packs, naipaabot na ng DSWD sa mga apektado ng bagyong Kristine

Sumampa na sa 109,513 Family Food Packs (FFPs) ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development sa tuloy-tuloy na distribusyon ng relief packs sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine. Kasama rito ang mga nakaposisyon na sa DSWD Field Offices na na-release na sa mga lokal na pamahalaan (LGUs) at mga ongoing deliveries. Kabilang sa… Continue reading 109,000 family food packs, naipaabot na ng DSWD sa mga apektado ng bagyong Kristine

DA, may nakahandang ₱80-M halaga ng agricultural inputs para sa mga magsasakang apektado ng bagyong Kristine

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) ang tulong na ilalaan para sa mga magsasakang apektado ng pagtama ng bagyong Kristine. Ayon sa DA, kabilang sa inihahanda nito ang ₱80.21 milyong halaga ng agricultural inputs na kinabibilangan ng mga binhi at biologics para sa livestocks na mula sa Regional Offices nito sa Cordillera Administrative Region, Central… Continue reading DA, may nakahandang ₱80-M halaga ng agricultural inputs para sa mga magsasakang apektado ng bagyong Kristine