Bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Kristine umabot na sa 116, ayon sa OCD

Umabot na sa 116 ang bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Kristine. Sa isang pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Office of the Civil Defense (OCD) Administrator Usec. Ariel Nepomuceno na ang naturang bilang ay naiulat ng kanilang mga OCD region. Ayon kay Usec. Nepomuceno, ang bilang na ito ay patuloy na sumasailalim… Continue reading Bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Kristine umabot na sa 116, ayon sa OCD

Operasyon ng LRT-2, mananatiling normal sa Undas 2024

Inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na mananatiling normal ang operasyon ng LRT Line 2 sa Undas 2024. Ayon sa pamunuan ng LRTA, walang magiging pagbabago sa schedule ng mga tren sa darating na Undas. Ang unang biyahe mula Recto Station at Antipolo Station ay aalis ng alas-5:00 ng umaga, habang ang huling biyahe… Continue reading Operasyon ng LRT-2, mananatiling normal sa Undas 2024

Pasig City Mayor Vico Sotto, nagtungo sa Comelec para ipa-disqualify ang kanyang kalaban

Naghain ng petition for disqualification sa Commission on Elections (Comelec) si Pasig City Mayor Vico Sotto laban sa kanyang katunggali. Sa petisyon ni Sotto, iginiit niya na dapat ay ma-disqualify si Cezara Rowena Descaya, dahil sa umano’y pagkakaroon nito ng koneksyon sa joint venture ccompany ng Miru System Company Limited. Ang Miru System Company Limited… Continue reading Pasig City Mayor Vico Sotto, nagtungo sa Comelec para ipa-disqualify ang kanyang kalaban

Biyahe ng tren sa Undas, mananatiling normal, ayon sa MRT 3

Inanunsyo ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3 na normal ang operasyon ng mga tren sa Undas, Nobyembre 1. Ito’y sa kabila ng deklarasyon na isang special non-working holiday ang nasabing petsa. Regular din ang operasyon sa Oktubre 31 at Nobyembre 2. Nais ng MRT 3 na makapagbigay ng serbisyo sa mga… Continue reading Biyahe ng tren sa Undas, mananatiling normal, ayon sa MRT 3

Dating PCSO GM Royina Garma, kasalukuyang nasa ospital

Kinumpirma ng Quad Committee chairs na nasa ospital ngayon si dating PCSO General Manager Royina Garma. Ayon kay Manila Rep. Benny Abante, co-chair ng komite, hiniling aniya ng abogado ni Garma na matingnan siya ng mga doktor dahil kailangan nito ng immediate attention. Dahil dito ay pinahintulutan aniya siya ng komite na magpatingin sa Cardinal… Continue reading Dating PCSO GM Royina Garma, kasalukuyang nasa ospital

Sapat na stockpile ng food packs sa Batanes, tiniyak ng DSWD

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may sapat na reserba ng family food packs ang lalawigan ng Batanes na inaasahang tutumbukin ng Bagyong Leon. Sa pinakahuling report mula sa DSWD National Resource Operations Center (NROC) nakapaglulan na ng halos 5,500 kahon ng FFPs sa Coast Guard vessel na ihahatid patungong Batanes.… Continue reading Sapat na stockpile ng food packs sa Batanes, tiniyak ng DSWD

QC DRRMC, naghahanda na sa magiging epekto ng bagyong Leon

Habang papalapit ang bagyong Leon, naghahanda na ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QC DRRMC) sa epekto nito. Sa ulat ng QC DRRMC, nagpatawag na ng Pre-Disaster Risk Assessment ang Weather Observers at Operations Center Personnel, na dinaluhan ng mga miyembro ng QC DRRM Council at barangay officials. Layon ng assessment na… Continue reading QC DRRMC, naghahanda na sa magiging epekto ng bagyong Leon

P147 Million relief assistance, naipamahagi na ng DSWD (Bicol) sa mga nasalanta ng bagyo sa Bicol

Umabot na sa mahigit P147-M ang halaga ng relief assistance na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Kristine sa Bicol Region. Kasama sa tulong na ipinamahagi ang nasa 211,356 Family Food Packs (FFPs), galon ng tubig, 6-litro na bottled water na donasyon ng Maynilad, mahahalagang… Continue reading P147 Million relief assistance, naipamahagi na ng DSWD (Bicol) sa mga nasalanta ng bagyo sa Bicol

Pabuya sa mga mapapatay sa operasyon vs. illegal drugs, di bahagi ng budget na inaprubahan ng Kongreso para sa war on drugs

Nilinaw ni Quad Committee co-chair at Sta. Rosa Representative Dan Fernandez na bagamat sinuportahan at pinondohan ng Kongreso ang kampanya kontra iligal na droga ng nakaraang administrasyon ay hindi aniya kasama sa budget ang pabuya para sa extra judicial killings o EJK. Ayon kay Fernandez, bagamat ang mga pinagtibay na pondo ng Kongreso noong nakaraang… Continue reading Pabuya sa mga mapapatay sa operasyon vs. illegal drugs, di bahagi ng budget na inaprubahan ng Kongreso para sa war on drugs

Paglipat ng pamamahala ng NCIP sa Office of the President, suportado ng DSWD

Suportado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang paglilipat ng pamamahala ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa Office of the President (OP). Batay ito sa inilabas na Executive Order No. 71, na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong nakaraang Oktubre 22. Ang paglilipat ng pamamahala ay nauna nang napag-usapan sa… Continue reading Paglipat ng pamamahala ng NCIP sa Office of the President, suportado ng DSWD