Pinakamatinding epekto ng bagyong Leon, pinaghahandaan ng OCD

Mahigpit na pinaghahandaan ng Office of Civil Defense (OCD) ang posibleng epekto ng Bagyong Leon. Sa isang pulong balitaan, sinabi ni OCD Administrator Usec. Ariel Nepomuceno na pinaghahandaan ng pamahalaan ang “worst-case scenario” kung saan tinatayang 500,000 pamilya o katumbas ng 2.5 milyong indibidwal ang maaaring maapektuhan. Kaya naman pinaalalahanan ang mga residente mula sa… Continue reading Pinakamatinding epekto ng bagyong Leon, pinaghahandaan ng OCD

Tulong ng Air Force at Coast Guard sa paghatid ng relief goods sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol, kinilala ng DSWD

Kinilala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang suporta ng Philippine Air Force (PAF) at Philippine Coast Guard (PCG) sa paghahatid ng relief assistance sa mga sinalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol Region. Ayon kay Special Assistant to the Secretary for Disaster Response Management Group at kasalukuyang OIC ng National Resource and Logistics… Continue reading Tulong ng Air Force at Coast Guard sa paghatid ng relief goods sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol, kinilala ng DSWD

Geohazard maps, mahalaga sa paghahanda sa bagyo, ayon sa DENR at OCD

Binigyang-diin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Office of the Civil Defense (OCD) ang kahalagahan ng Geohazard Maps sa paghahanda sa mga paparating na bagyo. Sa pulong balitaan sa OCD ngayong hapon, sinabi ni Asec. Michael Cabalda ng DENR, ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) ay nakagawa na ng 1:10,000 scale… Continue reading Geohazard maps, mahalaga sa paghahanda sa bagyo, ayon sa DENR at OCD

Pangmalawakang flood control project, ikinakasa sa San Pedro Laguna

Isang inter-agency meeting ang ikinasa ng lokal na pamahalaan ng San Pedro Laguna kasama ang DWPH, NDDRMC at Laguna Lake Development Authority para makapaglatag ng pangmatagalang solusyon hinggil sa pag-baha. Ayon kay Laguna 1st district Rep. Anne Matibag, kabilang sa napag-usapan ang pagpapatupad ng pangmalawakang catch basin project, pagsasaayos ng drainage, dagdag na pumping stations… Continue reading Pangmalawakang flood control project, ikinakasa sa San Pedro Laguna

DOF, nirerespeto ang inilabas na TRO ng Korte Suprema kaugnay sa unused at excess funds ng Philheath

Iginagalang ni Finance Secretary Ralph Recto ang utos ng Korte Suprema na pansamantalang ihinto ang paggamit ng mga hindi nagamit at sobrang pondo ng PhilHealth. Ito ay kaugnay ng mga petisyon na inihain laban sa paggamit ng nasabing pondo. Ayon kay Recto, makakaasa ang publiko na ang DOF ay susunod sa utos ng Korte Suprema. Aniya bilang… Continue reading DOF, nirerespeto ang inilabas na TRO ng Korte Suprema kaugnay sa unused at excess funds ng Philheath

Clearing operations sa CamSur, nagpapatuloy para makadaan ang mga sasakyang maghahatid ng relief packs

Nakipag-usap na ang pamahalaang panlalawigan ng Camarines Sur sa DPWH upang makapagpadala ng heavy equipment para mapabilis ang ginagawang clearing operations sa mga daan. Ayon kay CamSur Rep. LRay Villafuerte, paparating na ang kagamitan ng 5th District Engineering Office para alisin ang mga nakahambalang sa kalsada patungo ng Itangon at Caorasan sa Bula, Camarines Sur.… Continue reading Clearing operations sa CamSur, nagpapatuloy para makadaan ang mga sasakyang maghahatid ng relief packs

Komprehensibong recovery plan, inilunsad ng DepEd para sa mga mag-aaral na apektado ng bagyong Kristine

Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang isang komprehensibong recovery plan upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral at paaralan na naapektuhan ng bagyong Kristine. Layunin nitong matiyak na maipagpapatuloy ng mga mag-aaral ang kanilang pag-aaral sa kabila ng pinsalang dulot ng bagyo. Kabilang sa plano ang agarang rehabilitasyon ng mga nasirang paaralan, pagsasaayos ng… Continue reading Komprehensibong recovery plan, inilunsad ng DepEd para sa mga mag-aaral na apektado ng bagyong Kristine

Sundalong sugatan sa pag-atake ng NPA habang nagsasagawa ng relief operation sa Albay, pinarangalan

Ginawaran ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ng Wounded Personnel Medal si Corporal Jaypee J. Garido ng Philippine Army. Ito ay matapos masugatan sa pag-atake ng teroristang grupong New People’s Army (NPA) habang nagsasagawa ng Humanitarian Assistance and Disaster Response sa mga apektado ng bagyong Kristine sa… Continue reading Sundalong sugatan sa pag-atake ng NPA habang nagsasagawa ng relief operation sa Albay, pinarangalan

Sen. Tolentino, hinimok ang PAGASA na maglabas ng mas detalyadong forecast para sa bagyong Leon

Nanawagan si Senate Majority Leader Francis Tolentino sa PAGASA na sikaping makapagbigay ng malinaw at detalyadong weather forecast ngayong naghahanda ang bansa sa pagdaan ng bagyong Leon. Ito aniya ay para mapaghandaan ng maayos ng publiko ang bagyo at mabawasan ang malalang epekto nito. Giit ni Tolentino, hindi lang dapat maglabas ng signal warning number… Continue reading Sen. Tolentino, hinimok ang PAGASA na maglabas ng mas detalyadong forecast para sa bagyong Leon

11 pulis na sangkot sa “moonlighting”, pinasisibak sa serbisyo ng PNP Internal Affairs Service

Inirekomenda ng Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP) na tanggalin sa serbisyo ang 11 pulis na sangkot sa “moonlighting” o ilegal na pag-eescort ng mga VIP. Kasama sa mga pinasisibak ng IAS ang anim na police commissioned officers, kabilang ang isang police lieutenant colonel, at limang police non-commissioned officers. Ayon kay Inspector… Continue reading 11 pulis na sangkot sa “moonlighting”, pinasisibak sa serbisyo ng PNP Internal Affairs Service