50 kahon ng Doxycycline, ipinagkaloob ng ACT-CIS para ipamahagi sa mga binahang residente ng Bicol

Nag-donate ngayong araw si ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo ng 50 box o 5,000 na capsule ng Doxycycline para ipamahagi sa mga lugar na binaha sa Bicol dahil sa Bagyong Kristine. Ani Tulfo, karamihan sa natatanggap nilang tawag sa kanilang tanggapan ay ang problema sa leptospirosis dahil sa nababad ang mga residente sa baha particular… Continue reading 50 kahon ng Doxycycline, ipinagkaloob ng ACT-CIS para ipamahagi sa mga binahang residente ng Bicol

Paghahatid ng malinis na inuming tubig, kasama sa relief efforts sa Kabikulan

Tuloy-tuloy ang malawakang relief operations ng Kamara na magkatuwang na ikinasa ng Ako Bicol party-list at Office of the Speaker. Ngayong araw, aabot sa 20,000 na food packs ang naihanda na siya namang ipapamahagi sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine. Sa kabuuan naman, nakapagpamahagi na ng higit 40,000 food packs sa Albay at higit 11,000… Continue reading Paghahatid ng malinis na inuming tubig, kasama sa relief efforts sa Kabikulan

Paglipat sa voter registration ng mag-asawang Lino at Fille Cayetano, ibinasura ng COMELEC-Taguig

Ibinasura ng COMELEC-Taguig ang inihaing aplikasyon ni dating Mayor Lino Cayetano at asawa nitong si Fille para ilipat ang kanilang rehistro sa pagka-botante ng lungsod. Nais kasi ng mag-asawa na ilipat ang kanilang voter registration sa unang distrito mula sa ikalawang distrito. Sa 24 na pahinang desisyon, sinuri ng Lokal na COMELEC ang paliwanag ng… Continue reading Paglipat sa voter registration ng mag-asawang Lino at Fille Cayetano, ibinasura ng COMELEC-Taguig

Higit 400 enforcers, ikinalat sa Metro Manila ngayong Undas ng LTO-NCR

Nagpakalat na ng 458 na enforcers ang Land Transportation Office (LTO) sa Metro Manila bilang paghahanda sa Undas. Ayon kay LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III, sa ilalim ng “Oplan Biyaheng Ayos,” katuwang ang LTO ng ibang ahensya sa pangangalaga sa kapakanan ng publiko at motorista. Aniya, tiyak na ang dagsa ng libo-libong tao at… Continue reading Higit 400 enforcers, ikinalat sa Metro Manila ngayong Undas ng LTO-NCR

Revamp sa PhilHealth, ipinanawagan ni Senador JV Ejercito

Nais ni Senador JV Ejercito na mapalitan na ang presidente ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na si Emmanual Ledesma at magkaroon ng revamp sa ahensya. Ginawa ng senador ang pahayag sa gitna ng isyu ngayon sa paglilipat ng excess funds ng state insurer sa national treasury at paglalabas ng temporray restraining order (TRO) ng… Continue reading Revamp sa PhilHealth, ipinanawagan ni Senador JV Ejercito

Pagsama ng climate change mitigation sa curriculum ng mga eskwelahan, ipinapanukala ni Sen. Revilla

Iminumungkahi ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. na isama sa school curriculum ang climate change mitigation at environmental protection. Ginawa ng senador ang pahayag sa kanyang pagbisita sa mga residente ng San Pedro at Calamba, Laguna na naapektuhan ng baha dahil sa Bagyong Kristine. Ayon kay Revilla, layon ng kanyang mungkahi na mabigyan ang mga… Continue reading Pagsama ng climate change mitigation sa curriculum ng mga eskwelahan, ipinapanukala ni Sen. Revilla

Pagsasapubliko ng bicam meeting para sa panukalang 2025 budget, nasa desisyon na ng Chair ng Senate Committee on Finance — SP Escudero

Pinapaubaya na ni Senate President Francis Chiz Escudero kay Senate Committee on Finance Chairperson Grace Poe kung bubuksan sa media ang proseso ng Bicameral Conference Committee meeting kaugnay proposed 2025 national budget. Ayon kay Escudero, noong siya ang pinuno noon ng Senate Committee on Finance ay bukas sa media coverage ang bicam at ibinibigay nila… Continue reading Pagsasapubliko ng bicam meeting para sa panukalang 2025 budget, nasa desisyon na ng Chair ng Senate Committee on Finance — SP Escudero

Binuksang distribution center sa Laguna, nakikitang magpapalakas ng logistic system ng Pilipinas

Kumpiyansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na lalakas pa ang logistic system ng Pilipinas, kasunod ng pagbubukas ng Maersk Optimus Distribution Center sa Laguna (October 30). Ayon sa Pangulo, sa pamamagitan kasi ng bagong distribution center na ito, maikukonekta pa ang mga isla sa bansa, mapalalakas rin ang mga industriya, mga negosyo, at mas… Continue reading Binuksang distribution center sa Laguna, nakikitang magpapalakas ng logistic system ng Pilipinas

1 cargo vessel, lumubog sa karagatan ng Paluan Occidental Mindoro noong kasagsagan ng bagyong Kristine

Nagsasagawa na ng search and rescue operation ang Philippine Coast Guard (PCG) sa umano’y isang cargo vessel na lumubog sa karagatan ng Paluan Occidental Mindoro, noong kasagsagan ng bagyong Kristine. Sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard Southern Tagalog, iniulat sa kanila na nawawala ang cargo vessel na MV Sta. Monica-A noong ika-27 ng… Continue reading 1 cargo vessel, lumubog sa karagatan ng Paluan Occidental Mindoro noong kasagsagan ng bagyong Kristine

3 suspek sa pagdukot sa American National sa Zamboanga del Norte, hawak na ng PRO 9

Arestado na ng Police Regional Office (PRO) 9 ang tatlong suspek sa pagdukot sa Amerikanong national sa Zamboanga del Norte. Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, nasa kustodiya na nila ang tatlong suspek habang pinaghahanap pa ang tatlo pa nilang kasamahan. Dagdag pa ni Fajardo, may direct participation sa kidnapping ang tatlong… Continue reading 3 suspek sa pagdukot sa American National sa Zamboanga del Norte, hawak na ng PRO 9