Stakeholders muling nanawagan vs online piracy

Muling nanawagan ang mga stakeholder ng creative at intellectual property (IP) industry sa Pilipinas laban sa piracy sa gitna ng pagdiriwang ng National Anti-Piracy and Consumer Welfare Month ngayong Oktubre. Sa pangunguna ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL), hinikayat ng mga miyembrong creative industry ng bansa ang mga Pilipino na tulungan ang mga… Continue reading Stakeholders muling nanawagan vs online piracy

Scholarship para sa OFWs at kanilang pamilya, ikinasa ng OFW Party-list katuwang ang University of Perpetual Help System DALTA – Las Piñas

Lumagda sa isang kasunduam ang OFW Party-list sa pangunguna ni Representative Marissa Magsino, kasama ang University of Perpetual Help System DALTA (PHSD)-Las Piñas. Para ito sa pagbibigay ng graduate scholarship para sa mga OFW at kanilang mga pamilya, upang mapalawig pa ang kanilang educational opportunities. Ayon kay Magsino, sa ilalim ng programa i-eendorso ng OFW… Continue reading Scholarship para sa OFWs at kanilang pamilya, ikinasa ng OFW Party-list katuwang ang University of Perpetual Help System DALTA – Las Piñas

DSWD, naglaan ng P16.8-M para sa pagtatayo ng 21 day care center sa Cotabato

Magtatayo na ng 21 Day Care Center ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 19 na barangay sa Makilala, North Cotabato. Naglaan ng P16.8 milyon ang DSWD sa Makilala Local Government para sa pagtatayo ng proyekto sa ilalim ng Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) Program. Ayon kay DSWD Undersecretary Alan Tanjusay, ang pagtatayo… Continue reading DSWD, naglaan ng P16.8-M para sa pagtatayo ng 21 day care center sa Cotabato

Pagtatayo ng paaralan para sa mga IP, planong isulong sa Kongreso

Plano ng Pinoy Ako Party-list na isulong sa Kongreso ang pagtatayo ng mga paaralang eksklusibo para sa mga Indigenous Peoples o IPs. Batay sa kanilang pag-aaral, nakita ng grupo ang malaking kakulangan ng pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng mga marginalized sector, lalo na ang mga katutubo. Sa pulong balitaan sa Mandaluyong City, sinabi ni… Continue reading Pagtatayo ng paaralan para sa mga IP, planong isulong sa Kongreso

Walang Gutom: Food Stamp Program Redemption Day, Isinagawa sa Bayan ng Claver, Surigao del Norte

Maayos na isinagawa kahapon, October 29, ang Redemption Day ng Walang Gutom: Food Stamp Program na pinangunahan ni Mayor Georgia Gokiangkee para sa mga benepisyaryo sa bayan ng Claver, Surigao del Norte. Ito ang pangatlong beses na naipatupad ngayong taon ng pamahalaang lokal ng Claver. Sa pamamagitan ng Electronic Benefit Transfer (EBT) card na naglalaman… Continue reading Walang Gutom: Food Stamp Program Redemption Day, Isinagawa sa Bayan ng Claver, Surigao del Norte

Seguridad sa mga bus terminal, nakalatag na para sa dagsa ng mga pasahero na uuwi ng probinsiya

Nakalatag na sa iba’t-ibang bus terminal ang mga tauhan ng Quezon City Police District dalawang araw bago ang Undas. Ayon kay QCPD Acting Director PCol Melecio Buslig Jr., inaasahan ang dagsa ng pasahero na magsisiuwian sa probinsya at simula ngayong araw hanggang bukas. Sa 5 Star Bus Terminal, pansin na ang pag dating ng mga… Continue reading Seguridad sa mga bus terminal, nakalatag na para sa dagsa ng mga pasahero na uuwi ng probinsiya

Undas 2024, pinaghahandaan na ng PPA-Port Management Office Surigao

Nag-meeting na kahapon ang mga tauhan ng Philippine Port Authority-Port Management Office o PPA-PMO Surigao upang paghandaan ang posibleng pagdagsa ng mga pasahero patungo sa iba’t ibang destinasyon bilang pag-alala sa kanilang yumao na mahal sa buhay. Alinsunod sa kautusan ng PPA, mahigpit na ipatutupad ng PMO Surigao ang Oplan Byaheng Ayos. Napagkasunduan ang paglalagay… Continue reading Undas 2024, pinaghahandaan na ng PPA-Port Management Office Surigao

Valenzuela LGU, magpapadala ng search and rescue team sa Batangas

Tutulak patungong Batangas ang ilang tauhan ng Valenzuela City LGU para tumulong sa nagpapatuloy na Search and rescue at retrieval operations sa lalawigan. Sa pangunguna ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian, nagsagawa na ang Valenzuela Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO) ng strategic briefing para sa ikakasang rescue at retrieval assistance nito. Kabilang sa ide-deploy… Continue reading Valenzuela LGU, magpapadala ng search and rescue team sa Batangas

Bagyong Leon, tuluyan nang naging super typhoon

Umabot na sa ‘Super Typhoon’ category ang binabantayang bagyong Leon na nasa karagatan malapit sa Northern Luzon. Sa kategoryang ito, malaki na ang panganib na dala ng bagyo kabilang ang malakas na hangin at ulan, pagbaha, at daluyong o storm surge. Sa 11am weather forecast ng PAGASA, huling namataan ang mata ng bagyo sa layong… Continue reading Bagyong Leon, tuluyan nang naging super typhoon

PCSO, maghahandog ng medical equipments sa LRTA kasabay ng National Charity Day ngayong araw

Nakatakdang magbigay ng mga medical equipment ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Light Rail Transit Authority (LRTA). Ito’y bilang bahagi na rin ng pagdiriwang ngayong araw ng kauna-unahang National Charity Day alinsunod Proclamation no. 598 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tuwing Oktubre 30. Una rito, nagsagawa ng inspeksyon si PCSO General… Continue reading PCSO, maghahandog ng medical equipments sa LRTA kasabay ng National Charity Day ngayong araw