Malabon LGU, all set na para sa Undas 2024

Handa na ang Malabon City government para tiyaking magiging ligtas at mapayapa ang paggunita ng Undas sa lungsod. Ayon sa LGU, nasa 30,000 Malabueños ang inaasahang magtutungo sa mga sementeryo sa panahon ng Undas. Naka-standby naman na ang nasa 775 security at first responders sa pangunguna ng MDRRMO para magbigay ng assistance sa mga bibisita… Continue reading Malabon LGU, all set na para sa Undas 2024

Mahigit 1.6M na pasahero sa mga pantalan, inaasahan ng PPA sa paggunita ng Undas

Nakatakdang ipakalat ng Philippine Ports Authority (PPA) ang kanilang buong manpower sa darating na long weekend dahil mahigit 1.6 milyong pasahero ang inaasahang magsasama-sama sa mga daungan sa buong bansa para sa tradisyunal na pagdami ng mga biyahero para sa Undas. Inatasan ni PPA General Manager Jay Santiago ang mga pinuno ng departamento na tiyakin… Continue reading Mahigit 1.6M na pasahero sa mga pantalan, inaasahan ng PPA sa paggunita ng Undas

Tingog Party-list, nagkasa ng relief initiative para sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine at Carina sa Muntinlupa at San Juan

Nasa 859 na pamilyang naapektuhan ng bagyong Kristine ang naabutan ng tulong ng Tingog Party-list mula sa Bgry. Putatan sa Muntinlupa City. Katumbas nito ang 2,875 indibidwal na nakatangaap ng relief packs na naglalaman ng essential supplies gaya ng pagkain. Mismong si Tingog Party-list Representative Jude Acidre ang nanguna sa pamamahagi ng tulong. Sinundan naman… Continue reading Tingog Party-list, nagkasa ng relief initiative para sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine at Carina sa Muntinlupa at San Juan

Albay Police Provincial Office, aktibong nakibahagi sa repacking efforts ng relief goods

Nagpatuloy ang pagsasagawa ng repacking ng relief goods sa Bicol University College of Engineering Gymnasium sa Legazpi City, kung saan aktibong nakibahagi ang Albay Police Provincial Office (APPO) kasama ang iba’t ibang boluntaryo mula sa komunidad, mga opisyal ng pamahalaan, at mga miyembro ng Team Albay Youth Organization. Sa isang pahayag noong Lunes, October 28,… Continue reading Albay Police Provincial Office, aktibong nakibahagi sa repacking efforts ng relief goods

QC LGU, magpapatupad din ng traffic rerouting plan sa mga daan patungong sementeryo

May ipatutupad ding traffic rerouting plan sa ilang kalsada sa Quezon City upang matugunan ang inaasahang malaking volume ng mga sasakyan na patungong sementeryo ngayong Undas. Ayon kay QC Traffic and Transport Management Department Head Dexter Cardenas, kasama sa isasara sa trapiko ang bahagi ng Mayon Street mula Del Monte Avenue patungo ng Manila North… Continue reading QC LGU, magpapatupad din ng traffic rerouting plan sa mga daan patungong sementeryo

UAE, magdo-donate ng 33,000 food packs sa mga apektado ng bagyong Kristine — DSWD

Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang alok ng United Arab Emirates (UAE), sa pamamagitan ng embahada nito na 33,000 kahon ng family food packs (FFPs) na idaragdag sa nagpapatuloy na relief efforts sa mga biktima ng bagyong Kristine. Nakipagpulong na si DSWD Secretary Rex Gatchalian at Special Envoy to UAE Trade… Continue reading UAE, magdo-donate ng 33,000 food packs sa mga apektado ng bagyong Kristine — DSWD

MMDA, umapela sa publiko na panatilihin ang kalinisan sa mga sementeryo ngayong Undas

Nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na panatilihin ang kalinisan sa mga sementeryo at kolumbaryo sa Metro Manila. Maaga pa lamang, sinimulan na ng MMDA ang paglilinis sa paligid ng mga sementeryo sa pangunguna ng Metro Parkways Clearing Group. Ipakakalat ang mga naturang tauhan ng MMDA sa mga sementeryo hanggang sa November… Continue reading MMDA, umapela sa publiko na panatilihin ang kalinisan sa mga sementeryo ngayong Undas

Mga bibisita sa Bagbag Public Cemetery ngayong Undas, posibleng pumalo sa higit 50,000

Nakatutok na ang Quezon City local government sa kaayusan at seguridad sa Bagbag Public Cemetery ngayong Undas. Ayon kay QC Civil Registry Department Head Salvador Cariño Jr., inaasahan nilang sa October 31 hanggang November 2 ang peak o dagsa ng mga bibisita sa naturang sementeryo na may higit 131,000 ang nakalibing. Posibleng pumalo sa 50,000… Continue reading Mga bibisita sa Bagbag Public Cemetery ngayong Undas, posibleng pumalo sa higit 50,000

4 na rehiyon sa bansa, pinaghahanda ng OCD kasunod ng banta ng bagyong Leon

Pinaghahanda ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga residente sa apat na rehiyon sa bansa sa inaasahang hagupit ng Super Bagyong Leon. Ito’y dahil sa ang mga nabanggit na lugar ay nasa labas ng wind band ng bagyo na kung saan, inaasahan ang mas malakas na mga pag-ulan habang tinatahak nito ang direksyong pa-hilagang… Continue reading 4 na rehiyon sa bansa, pinaghahanda ng OCD kasunod ng banta ng bagyong Leon

Presyo ng gulay sa Pasig Mega Market, sumipa na matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine

Ramdam na rin ang epekto ng bagyong Kristine sa presyo ng mga gulay sa iba’t ibang pamilihan. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa Pasig City Mega Market, tumaas ng ₱20 o higit pa ang presyo ng gulay dito. Ang kamatis na dating ₱70 ang kada kilo, ngayon ay nasa ₱100 na ang kada kilo. Bawang… Continue reading Presyo ng gulay sa Pasig Mega Market, sumipa na matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine