DSWD, magpapadala ng karagdagang 14,000 FFPs sa Batanes

Nagsimula nang magpadala ng karagdagang family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lalawigan ng Batanes na apektado ngayon ng Bagyong Kristine. Sa DSWD Media forum, sinabi ni Irish Flor Yaranon, Chief Administrative Officer ng National Resource and Logistics Managment Bureau na may pauna nang higit 5,500 food packs ang naikarga… Continue reading DSWD, magpapadala ng karagdagang 14,000 FFPs sa Batanes

BFP, naka-Code Red ngayong Undas

Naka-alerto na ang Bureau of Fire Protection para sa pagtitiyak ng kaligtasan ngayong Undas 2024. Ayon sa BFP, nakataas na ngayon ang CODE RED kung saan nasa 37,000 firefighters ang naka-standby sa buong bansa. Nakahanda na ang BFP na magkasa ng rekorida (public safety patrols) para i-monitor ang posibleng fire hazards sa mga pampublikong lugar.… Continue reading BFP, naka-Code Red ngayong Undas

Electronic Undas, ipatutupad ng BuCor

Magpapatupad ang Bureau of Corrections ng e-Undas para sa mga PDL kung saan maari nilang tawagan o maka-video call ang kanilang mga mahal sa buhay na bumibisita sa sementeryo. Paliwanag ng BuCor, ang proseso sa e-Undas sa kapareho lang din ng sa e-dalaw kung saan makakausap ng mga PDL ang kanilang mga kaanak at ito… Continue reading Electronic Undas, ipatutupad ng BuCor

‘Oplan Kaluluwa 2024’ traffic advisory, inilabas na Makati LGU

Naglabas na ang Pamahalaang Lungsod ng Makati ng kanilang abiso para sa mga motorista hinggil sa mga saradong kalsada ngayong Undas 2024. Ito ay ang mga kalsada sa paligid ng Manila South Cemetery partikular ang kahabaan ng Kalayaan Avenue mula Zapote Street hanggang N. Garcia Street. Gayundin ang South Avenue na isasara mula sa J.P.… Continue reading ‘Oplan Kaluluwa 2024’ traffic advisory, inilabas na Makati LGU

Disconnection at paniningil sa kuryente sa mga lugar na apektado ng bagyo, pinasususpinde ng ERC

Inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga distribution company na suspindehin muna ang disconnection at ang paniningil sa kuryente sa mga lugar na nakapailalim sa state of calamity dahil sa bagyong Kristine. Ito’y bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ERC na magpatupad ng moratorium sa disconnection at paniningil sa… Continue reading Disconnection at paniningil sa kuryente sa mga lugar na apektado ng bagyo, pinasususpinde ng ERC

Party-list solon, nagpaabot ng tulong pinansyal sa naulilang pamilya ng mga biktima ng landslide sa Batangas

Nagpaabot ng tulong si OFW party-list Rep. Marissa Magsino sa mga biktima ng Bagyong Kristine sa Batangas. Partikular niyang binisits ang munisipalidad ng Laurel, Talisay, Tanauan, Malvar, at Balete. Bukod sa relief supplies, may ipinagkaloob din siyang tulong pinansyal sa pitong pamilya na ang mga kaanak ay nasawi dahil sa landslide sa Talisay. Bilang tubong… Continue reading Party-list solon, nagpaabot ng tulong pinansyal sa naulilang pamilya ng mga biktima ng landslide sa Batangas

DSWD, naglalaan din ng burial assistance sa kaanak ng mga nasawi bunsod ng pananalasa ng bagyong Kristine

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development ang tuloy tuloy na tulong nito sa mga apektado ng Bagyong Kristine kabilang na ang mga may kaanak na nasawi bunsod ng kalamidad. Ayon kay DSWD Undersecretary Monina Josefina Romualdez, nakahanda silang tulungan ang mga kaanak ng halos mahigit sa isang daang katao na naitalang nasawi dahil… Continue reading DSWD, naglalaan din ng burial assistance sa kaanak ng mga nasawi bunsod ng pananalasa ng bagyong Kristine

Mga katutubong Sama-Bajau sa Lucena City, tumanggap ng Calamity Assistance mula sa NCIP

Tumanggap ng calamity assistance ang mga katutubong Sama-Bajau sa Brgy. Dalahican at Brgy. Barra, Lucena City, mula sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) – Catanauan Community Service Center kamakailan. Ayon sa pabatid ng Tanggapan, mahigit 230 relief packs na naglalaman ng bigas at mga pangunahing pangangailangan ang naipamahagi sa mga katutubo. Pinangunahan ni NCIP… Continue reading Mga katutubong Sama-Bajau sa Lucena City, tumanggap ng Calamity Assistance mula sa NCIP

Finance Sec. Ralph Recto, nakatanggap ng suporta mula sa Lord Mayor ng London para sa AI at climate finance ng Pilipinas

Nakuha ni Finance Secretary Ralph Recto ang suporta ni London Lord Mayor Alderman Michael Mainelli sa pagsusulong ng hangarin ng bansa sa artificial intelligence (AI) at climate finance. Sa isang high level meeting sa Mansion House sa London kung saan inimbitahan ni Lord Mayor Mainello ang Pilipinas na sumali sa Ethical AI inititative ng UK,… Continue reading Finance Sec. Ralph Recto, nakatanggap ng suporta mula sa Lord Mayor ng London para sa AI at climate finance ng Pilipinas

Isang school sa Donsol Sorsogon, nanawagan para sa volunteers na maglilinis ng binahang mga classroom

Kasabay ng paghahatid ng relief goods at tubig ng Ako Bicol party-list sa Donsol, Sorsogon ay nanawagan ang principal ng Brgy. Banuang Gurang Elementary School ng tulong. Ipinaabot ni Principal Shirley Warde sa team ng Ako Bicol ang hiling na volunteers para makatuwang nila aa paglilinis ng kanilang eskuwelahan na nalubog sa putik. Kailangan din… Continue reading Isang school sa Donsol Sorsogon, nanawagan para sa volunteers na maglilinis ng binahang mga classroom