5 dam sa Luzon, patuloy pa ring nagpapakawala ng tubig — PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy sa pagbabawas ng tubig ang ilang dam sa Luzon dahil sa mga pag-ulan sa reservoir na dulot ng bagyong Kristine.

Sa datos ng PAGASA Hydrometreology Division, kabilang sa nagpapakawala ng tubig ang Ipo Dam, Ambuklao, Binga, San Roque, at Magat Dam.

As of 8am, nasa 100.79 meters ang lebel ng tubig sa Ipo Dam na malapit na sa normal high level ng dam na nasa 101.10 meters.

Dalawang gate naman ang nakabukas ngayon sa Binga Dam na may opening na isang metro.

Samantala, bahagyang nadagdagan pa ang lebel ng tubig sa Magat Dam na nasa 182.81 meters kaya naman itinaas rin sa dalawang metro ang opening nito. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us