Planong gamitin ni bagong upong NCRPO Chief PMGEN. Sidney Hernia ang teknolohiya para labanan ang krimen at imonitor nito ang mga tauhan nito.
Sa ginawang turnover ceremony kahapon sa Camp Bagong Diwa, sinabi ni Hernia na nais niyang i-modernize ang paglaban sa krimen sa kanyang nasasakupan.
Ito rin ang kanyang plano para mabantayan ng maayos ang kanyang mga tauhan sa NCRPO.
Paliwanag ni Hernia, kung mabilis ang magiging parusa sa mga tiwaling pulis ay mabilis din ang magiging pagkilala sa mga tauhan niyang matitino at magagaling.
Bago maging hepe ng NCRPO, si Hernia ay naupo bilang direktor ng PNP Anti-Cybercrime Group o ang unit ng kapulisan na tumutugis sa mga online crimes o scams. | ulat ni Lorenz Tanjoco