Mga nasawi sa Bagyong Kristine, umabot na sa 81 ang bilang— OCD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa walumput isa (81) ang bilang ng mga namatay sa hagupit ng Bagyong Kristine sa iba’t ibang lugar ng bansa.
 
Sa Saturday News Forum, sinabi ni OCD Administrator at Undersecretary Ariel Nepomuceno, na may isa pang kinumpirmang nasawi at ang ilan ay bineberepika kung ito ay may kaugnayan sa bagyo.
 
Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), may 66 katao ang naiulat na nasugatan habang 34 ang nawawala pa.
 
Nasa 986,974 na ang bilang ng mga pamilya ang naapektuhan ng bagyo o katumbas ng 4.2 million na indibidwal.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us