Nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr Kay United Arab Emirates President Sheikh Mohamed bin Zayed kaugnay ng ginawa nitong paggawad ng pardon sa may 143 mga Pilipino sa UAE.
Sa Facebook post ng Pangulo, inihayag nitong nagkaroon Sila ng pagkakataong makapag-usap ng UAE leader kung saan dito niya ipinaabot ang pasasalamat kay President Sheikh Mohamed bin Zayed sa kagandahang loob na ipinagkaloob nito para sa mga Pilipino na nabigyan ng pardon.
Kasama rin sa ipinagpasalamat ng Punong Ehekutibo ang humanitarian aid na ipinaabot ng UAE sa Pilipinas kasunod mga nagdaang kalamidad gaya ng bagyo at pagbaha na naranasan ng bansa.
Ikinatuwa rin ni Pangulong Marcos Jr. ang narinig niya mula sa lider ng UAE na patuloy na nangingibabaw ang galing ng mga Pilipino sa nasabing bansa habang nagbibigay ng positibong kontribusyon para sa ekonomiya nito. | ulat ni Alvin Baltazar