Nag-aalala na si Sen. Imee Marcos sa kalagayan ng mga pilipinong naiipit ngayon sa giyera sa pagitan ng Israel at Hezbollah.
Sa Pandesal Forum, sinabi ng senador na siya ring Senate Committee on Foreign Relations, dapat na ipatupad na ng DFA ang mandatory evacuation para sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Lebanon.
Ayon sa senador, matagal na itong nananawagan na iuwi na ang lahat ng mga pilipino sa Middle east partikular sa Lebanon, Syria at Israel.
Ito ay para masiguro ang kanilang kaligtasan at hindi madamay sa kaguluhan.
Hindi umano maunawaan ng senador kung bakit nananatili pa rin sa Alert Level 3 o voluntary evacuation ang sitwasyon dahil sa patuloy na pagbobomba na nangyayari sa naturang bansa.
Una nang iniutos ni Pang. Marcos sa DFA na madaliin na ang pagpapauwi sa mga Pinoy na nasa Lebanon sa gitna ng tumitinding tensyon doon. | ulat ni Merry Ann Bastasa