Taas-sahod sa 3 rehiyon sa bansa, welcome kay Sen. Joel Villanueva; pagsusulong ng living wage para sa mga manggagawa, iginiit

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinuturing ni Senate Committee on Labor Chairperson Senador Joel Villanueva na positive development ang pag-apruba ng Regional Wage Boards sa Cagayan Valley, Central Luzon, at SOCCSKARGEN ng taas-sweldo sa mga manggagawa sa naturang mga rehiyon.

Base sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE), inaprubahan ang dagdag na ₱30 sa minimum wage sa Cagayan Valley; ₱50-₱66 ang dagdag sa Central Visayas; habang ₱27-₱48 naman ang pay increase sa SOCCSKARGEN.

Ayon kay Villanueva, bagamat ipinagpapasalamat niya ang hakbang na ito ng mga Regional Wage Boards, kailangan pa ring patuloy na suriin kung ang mga taas-sahod na ito ay tunay na nakakatugon sa pang araw-araw na pangangailangan ng mga manggagawa at kanilang mga pamilya.

Bilang chairperson, aniya, ng Senate Committee on Labor ay patuloy niyang isusulong ang pagtatakda ng living wage bilang isa sa mga criteria sa pagtukoy ng minimum wage.

Kaugnay nito, inihain na ng senador ang Senate Bill 2140.

Iginiit ni Villanueva na mahalaga ito para matiyak na ang mga empleyado at kanilang mga pamilya ay magkakaroon ng access sa sapat na pagkain, pananamit, tirahan, edukasyon, at overall well-being. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us